Sumailalim sa matinding pagsubok ang pamilya ni Barbie Hsu matapos siyang pumanaw sa edad na 48 dahil sa pneumonia dulot ng influenza habang nagbabakasyon sa Japan.
Kinumpirma ni Dee Hsu, kanyang nakababatang kapatid, ang malungkot na balita.
Nagpahayag si Dee Hsu ng kanyang dalamhati, “Our whole family came to Japan for a trip, and my dearest and most kindhearted sister Barbie Hsu died of influenza-induced pneumonia and unfortunately left us.”
Nadama ng kanyang pamilya at mga tagahanga, lalo na sa Pilipinas, ang bigat ng pagkawala niya. Iniwan niya ang asawang si Koo Jun-yup at dalawang anak mula sa dating kasal kay Wang Xiaofei.
MORE: Ikatlong Pagkakunan ni Alex Gonzaga, Mikee Morada mas ipinakita ang pag mamahal at suporta sa asawa
Nagpahatid ng pasasalamat si Dee sa kanyang kapatid at ibinahagi ang kanyang pangungulila.
“I was grateful to be her sister in this life and that we got to care for and spend time with each other. I will always be grateful to her and miss her.” Nagbigay din siya ng huling mensahe, “Shan, rest in peace. We love you always. Together remember forever.”
Patuloy na ginugunita ng mga fans ang kanyang kontribusyon sa industriya, lalo na ang kanyang iconic na papel sa Meteor Garden na nagbigay-inspirasyon sa maraming manonood.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?