Nabigla ang isang 73-anyos na senior citizen nang ideklarang patay sa mga record ng PhilHealth habang buhay at aktibong nagtatrabaho.
Nangyari ito habang nagre-renew si Romeo Bilbar ng kanyang medical clearance sa Manila Development Authority (MMDA) clinic, kung saan siya empleyado.
Humiling ng tulong si Romeo sa Kapuso Action Man ng GMA para maayos ang isyu.
Agad na kumilos ang programa at nakipag-ugnayan sa PhilHealth Regional Office-NCR South Branch.
MORE: VP Sara Duterte, Mas masakit pa ang breakup kaysa impeachment
Nagpahayag ng paumanhin ang PhilHealth, “We would like to apologize for the inconvenience caused Mr. Bilbar regarding the incident. Upon verification with our membership database, the status of his membership is ‘Active’ as Direct Contributor-Self Earning Individual-Under the Group Enrollment Scheme of the Metropolitan Manila Development Authority.” Naayos na ang kanyang record, at maaari na niyang magamit muli ang kanyang mga benepisyo.
Sinabi ni Romeo, “Hirap tanggapin nabuhay pa ako tapos pinapatay ako ng isang ahensya.” Hinikayat ang publiko na magsumite ng reklamo sa Kapuso Action Man Facebook page para sa mga katulad na isyu.
Tiniyak ng PhilHealth na maaari nang magpatuloy si Romeo sa kanyang Konsulta registration nang hindi maaapektuhan ang kanyang mga benepisyo.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?