Ayon sa Malacañang, ang mga gustong magkaroon ng access sa SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pwedeng sumulat sa kanyang opisina para mabigyan ng consent, alinsunod sa protocol ng Office of the Ombudsman.
“Well if that is what the Ombudsman said, I advise you to comply with it,” sabi ni Roque sa Palace press briefing nang tanungin tungkol sa release ng SALN ng Pangulo.
“We leave that to the Office of the Ombudsman which is a constitutional body tasked with implementation of our laws relating to public officers,” dagdag pa nito.
Ang Office of the Ombudsman ay kamakailan naghigpit sa mga rules na pinapatupad sa pagbibigay access sa SALN ng mga public officials, lalo na sa paglilimita ng release ng nasabing dokumento sa government investigators.