Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) na si Ramon Lopez na nagpakita ng interes ang Russia na gumawa ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makipag-usap sa Russian Ambassador sa Pilipinas na si Igor Khovaev.
Malaki ang maitutulong nito sa Department of Science and Technology (DOST) dahil walang kakayahan ang bansa na gumawa ng sarili nitong bakuna.
Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, kasalukuyang nilalayon ng gobyerno na magkaroon ng isang local pharmaceutical company na maaaring tumapos sa bakuna. Gayunpaman, tatagal ng humigit-kumulang 5 taon bago ito matapos.
Payag din ang Department of Health (DOH) sa pagbubukas ng isang produksyon at pamamahagi hub para sa bakunang Sputnik V sa bansa sa kondisyon na sasailalim ito sa wastong proseso ng regulasyon.
“This will provide us with that advantage hindi lang dito sa pandemyang ito, but in the coming years na magkakaroon po tayo uli ng mga pangangailangan na ganito,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kaugnay sa clinical trial ng Sputnik V, ipinaliwanag ni Vergeire na “in a regulatory process, para makapag-clinical trial ang isang manufacturer sa ating bansa, kailangan mayroon silang contract research organization dito sa Pilipinas para mag-manage ng clinical trial kasama nila. So ngayon, tinutulungan na natin ang Gamaleya Institute so that they can find an appropriate contract research organization dito sa atin, which is reputable (In a regulatory process, for a manufacturer to conduct its clinical trial in the country, it must have a contract research organization in the Philippines to manage the clinical trial with them. So now, we are helping Gamaleya Institute so that they can find an appropriate local contract research organization which is reputable.”
Bukod sa Gamaleya Institute, nagsubmit rin ang kanilang mga application para sa Phase 3 na clinical trial ang mga Jannsen Pharmaceuticals Company ng Johnson & Johnson at Sinovac. Inaasahan ng gobyerno na magsimula ng kahit isang clinical trial sa bansa sa Nobyembre.
Ano sa palagay mo?