Isinantabi ng Senado ang mosyon ni Sen. Bato dela Rosa na wakasan ang interpelasyon ng Senate Bill 2034 o “The ROTC Act” at pausarin na sususnod na level ang panukalang batas.
“With a heavy heart I am moving that we already close the period of interpolation of Senate bill number 2034, The ROTC Act. Thus let us all unite in closing this period of interpolation and move forward with the next steps.”
Binigyang-diin ni Sen. dela Rosa ang mga sumusunod na rason: mahalaga ang ROTC program para sa pambansang depensa at pagkamakabayan, at dumaan na ito sa masusing pagsusuri.
Bukod pa rito, mayroon itong suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa senador.
MORE: Sinagot ni Sara Duterte ang mga pahayag ni Loren Legarda
“The ROTC program is crucial for enhancing our National Defense capabilities fostering a sense of patriotism and equipping our students with essential skills in disaster preparedness and civic responsibility”.
Si Sen. Jinggoy Estrada na tumatayong Presiding Chairman sa pagkakataong ito ay nagsabi, “The Chair rules to defer action on the motion of Sen. Bato dela Rosa and refer it to the Committee on Rules.”
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?