USEC. IGNACIO: Questions from Francis Wakefield of Daily Tribune: Reaction po daw sa challenge ni opposition Sen. Kiko Pangilinan for President Duterte to certify as urgent the AntiPolitical Dynasty Bill to prove his promise that his administration is willing to dismantle rule of certain groups in the government?
SEC. ROQUE: Parang mali po iyong pag-hamon niya kasi ang pagpapasa po ng batas ay isang katungkulan ng lehislatibo, so kinakailangan po siguro hamunin niya iyong mga kasama niya sa Senado at sa Kamara na ipasa iyang batas na iyan.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: Follow up po sa Anti-Terrorism Act. Sinabi po ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na inaasahan na niya ang desisyon ni Pangulong Duterte sa Anti-Terrorism Act of 2020. Pero binigyan-diin po ng Senador, hindi pa tapos ang laban; kukwestiyunin daw ito sa Korte Suprema at tinawag pa rin ng Senador bilang umano’y basura at pilit na isinusubo umano sa taumbayan. Ipinakita raw ng administrasyon ang brand of leadership nito gamit ang draconian at authoritarian measures. Ano po ang masasabi ninyo?
SEC. ROQUE: Ang Anti-Terror Bill po ay isang produkto ng Kongreso, kabahagi po ang Senado. So hindi ko po maintindihan bakit maaanghang ang salita ni Senator Francis Pangilinan samantalang kasama po niya sa Senado ang mga nagsulong nitong batas na ito, kasama na po diyan ang sarili niyang Senate President Tito Sotto at saka Senator Ping Lacson.
Hayaan na po natin ang proseso na umusad sa ating Korte Suprema bagama’t puwede rin pong sabihin na nirerespeto po, paulit-ulit ng Korte Suprema ang produkto ng mga halal na mga mambabatas and ang general rule po, is that every law passed by Congress enjoys the very heavy presumption of constitutionality.
Ano sa palagay mo?