Isinulong ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang karapatan ng mga same-sex couples para magkaroon ng civil union, sa pamamagitan ng paghain ng isang panukalang batas para rito.
I-download ang PDF dito ng bill ni Robin Padilla: SBN-449: Civil Unions Act
Ayon kay Padilla, sang-ayon ito sa Sec. 1, Art. III ng ating Saligang Batas na nagbibigay ng pantay na proteksyon sa karapatan ng lahat.
“This representation believes it is high time that the Philippines provides equal rights and recognition for couples of the same sex with no prejudice as to sexual relationships are protected and recognized and given access to basic social protection and security,” ani Padilla sa Senate Bill 449.
“Providing equal rights and privileges for same-sex couples will in no way diminish or trample on the rights granted to married couples,” dagdag nito.
Idiniin ni Padilla na bagama’t tanggap na ang civil union ay tanggap na sa ibang bansa, wala pang batas ang Pilipinas para tiyakin ang karapatan para sa same-sex couples tulad ng para sa different-sex couples.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga magsasama sa civil union ay hindi dapat bababa sa 18 ang edad, at hindi kasama sa dating kasal o civil union. Kailangan din nila ng license para sa civil union mula sa civil registrar.
Kailangan ding may personal appearance ang dalawang magsasama sa isang civil union ceremony na may hindi bababa sa dalawang testigo.
May karapatan ang mga nasa civil union para magmana, mag-ampon, at magkaroon ng benepisyo sa social security at insurance.
Samantala, multang aabot sa P1 milyon o pagkulong ng hanggang 10 taon ang parusa para sa pagtanggi sa pag-isyu ng civil union license o certificate, at sa diskriminasyon sa trabaho.
Breaking Latest News
- Wasak si Franz Castro kay Ombudsman at naging katawa-tawa sa mga tanong sa house hearing
- Cong Isidro Ungab sumabog sa dating NCIP head Allen Capuyan sa pagbuo ng armed group na pumapatay sa mga IPs
- IKULONG ang mayayaman na smugglers!
- Robin Padilla binira ang lawlessness ng mga Teves ginamit pa ang mga pulis scalawags
- Francis Tolentino seeks postponement of Barangay, SK election in Negros Oriental