Pres. Duterte, gagawa ng task force para imbestigahan ang korapsyon sa DPWH
Ayon sa Malacanang, pwedeng gumawa si President Rodrigo Duterte ng independent task force para maimbestigahan ang hinihinalang corruption sa Department of Public Works an Highways (DPWH).
Ang Public Works Secretary na si Mark Villar ay gumawa ng task force na binubuo ng DPWH officials para imbestigahan ang hinihinalang mga anomalya ayon kay Pangulong Duterte sa loob ng DPWH.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “good beginning: ang paggawa ng task force pero pinaghihinalaan kung magiging successful ang mangyayaring mga imbestigasyon sa kapwa nila DPWH officials.
“We would prefer an independent body, but let’s face it, in an organization, you need a mechanism for internal accountability. I can’t see any reason why the DPWH shouldn’t have one,”
“That’s why we say it’s a step toward the right direction. But this initial step is without prejudice to whatever the President may order in the near future. It is not inconceivable that another task force for the DPWH may be formed by the President in the same way he formed one for PhilHealth.”
Gumawa si President Duterte ng isang task force na pinangungunahan ng Department of Justice para maging isa pang taga-probe sa corruption claims laban sa DPWH na naisiwalat sa ilang congressional inquiries.
Ano sa palagay mo?