Bumagsak ang helicopter sa Nueva Ecija, ikinamatay ang babaeng piloto na si Julia Flori Monzon Po.
Nangyari ang insidente bandang alas-5:00 ng hapon sa sapa ng Sityo Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba.
Narinig ng mga residente ang ingay ng helicopter bago ito biglang tumahimik at sumabog.
Nahihirapan ang mga rescuer sa pagkuha ng bangkay ng 25-anyos na piloto dahil lumubog ang helicopter sa tubig.
MORE: Patay ang 67 katao at PNP opisyal sa banggaan ng eroplano at helicopter sa washington
Sinubukan ng isang saksi na sagipin ito ngunit nahirapan siya dahil sa mahigpit na seatbelt.
“Nahawakan ko yung kamay niya, hinahawakan ko siya, pero hindi ko siya mabuhat kasi pala yung seatbelt niya nakakabit mahigpit,” aniya.
Naglingkod si Julia Flori Monzon bilang personal na piloto ng TV host na si Willie Revillame.
Lumipad ang helicopter mula Baguio at nag-stop over sa Binalonan, Pangasinan para mag-refuel bago ito bumagsak.
Nagpadala rin ito ng emergency alerts bago ang insidente. Base sa report ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center, kinumpirma nilang nag-refuel ang helicopter bago ang pagbagsak.
Pinangunahan ng pamilya ang pagkuha sa kanyang labi. Dumalaw si Revillame sa punerarya kung saan siya dinala.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter at kung may iba pang sakay.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?