Idineklara ng Pilipinas ang food security emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Inanunsyo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang Department Circular No. 3 upang tugunan ang extraordinary increase in rice prices sa kabila ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Pinahintulutan ng deklarasyon ang National Food Authority (NFA) na maglabas ng buffer stocks ng bigas sa halagang P36 kada kilo sa mga lokal na pamahalaan, na ibebenta naman sa mamimili sa P38 kada kilo.
Giit ni Secretary Tiu Laurel, “This emergency declaration allows us to release rice buffer stocks held by the National Food Authority (NFA) to stabilize prices and ensure that rice, a staple food for millions of Filipinos, remains accessible to consumers.”
MORE: Senado nag-adjourn nang hindi tinatalakay ang Impeachment laban kay VP Sara Duterte
Binanggit ni Dioscoro Granada, pangulo ng Federation of Free Farmers (FFF), na maaaring gamitin ang deklarasyon para takpan ang NFA’s poor stocks management.
Nag-alala rin siya sa posibleng korapsyon at pagkalugi ng NFA dahil sa pagbebenta ng bigas sa subsidized na presyo.
Plano ng NFA na maglabas ng 300,000 metric tons ng bigas sa merkado. Itinakda rin ng Department of Agriculture ang maximum suggested retail price
Imported premium rice ranged between P51 and P58 per kilo; imported well-milled rice, between P44 and P52 per kilo and imported regular milled rice, between P38 and P48 per kilo.
Magpapatuloy ang Kadiwa ng Pangulo sa pagbebenta ng murang bigas hanggang 2028, bilang bahagi ng mga hakbang upang matugunan ang krisis sa pagkain.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?