Umapela ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP) sa Ilocos Norte noong Pebrero 11, 2025, kung saan personal na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapakilala at pag-endorso sa mga kandidato.
Ginamit ang Ilocos Norte na kilala bilang balwarte ng pamilya Marcos, bilang simbolikong panimula para sa mas malawak na paglilibot ng Alyansa sa buong bansa.
Layon ng Alyansa na makipagtulungan sa Senado para sa pagbangon ng ekonomiya, pagkontrol sa inflation, paglikha ng trabaho, at pagpapalakas ng epektibong pamamahala. Magdaraos din ng kickoff rallies sa Iloilo City,
MORE: Carpio, Nanawagan ng pagtindig laban sa katiwalian
Binigyang-pansin ni Pangulong Marcos ang karanasan at integridad ng mga kandidato, na kinabibilangan ng mga dating senador, kongresista, at lokal na opisyal.
Binatikos din ni Marcos ang nakaraang administrasyon at iginiit na hindi magpapasakop ang Pilipinas sa Tsina o sa anumang banyagang interes. “Wala sa kanila ang may bahid ng dugo dahil sa tokhang. Wala sa kanila ang kasabwat sa pagbulsa ng sako-sakong pera,” wika niya.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?