Binigyan ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Mayor Jed Mabilog matapos ang masusing pagsusuri ng Board of Pardons and Parole.
Ibinigay ito matapos isaalang-alang ang mga parangal at pagkilala na natamo ng Iloilo City sa ilalim ng pamumuno ni Mabilog.
Inalis ang mga parusang dulot ng administratibong kaso at pinayagan siyang muling makapasok sa pulitika.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, “In view of former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog’s long standing commitment to good governance, coupled with awards and recognition received by Iloilo City under his leadership”.
MORE: Impeachment kay VP Sara Duterte hindi hinahadlangan ni PBBM
“The President granted Mabilog’s petition for executive clemency in connection with his administrative case, thereby removing the penalties or disabilities resulting from such case.”
Nagbigay daan ito para muling magsimula si Mabilog sa kanyang karera sa pulitika.
Nag-ugat ang kaso ni Mabilog mula sa mga paratang ng serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service na isinampa ni dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada.
Ayon sa mga akusasyon, lumago ang yaman ni Mabilog ng higit P8.9 milyon sa loob ng isang taon.
Umalis si Mabilog sa bansa noong Agosto 2017 matapos siyang maisama sa kontrobersyal na narcolist ni dating Pangulong Duterte.
“Magugunita na idinawit din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa kontrobersiyal na narcolist noong 2016,” ayon sa isang source.
Bumalik si Mabilog noong Setyembre 2024 at dumalo sa Quad Comm hearing kung saan pinasinungalingan niya ang mga paratang laban sa kanya.
“Ang hakbang na ito ay parte ng inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang mabigyang pagkakataong makapagsimula ang mga indibidwal na nakaranas ng kaso,”.
Bagamat nabigyan ng executive clemency, patuloy na kinakaharap ni Mabilog ang mga kasong may kinalaman sa katiwalian.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?