Sa gitna ng masusing Congressional inquiry, naging sentro ng talakayan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon kay Cong. Jay-Jay Suarez, may 40% Chinese ownership ang NGCP. Ayon sa kanya, “40% is Chinese owned”.
Chinese ang Chairman ng NGCP!
Isa sa kanyang malaking tanong ay kung paano naging chairman ang isang minority shareholder. Sinabi niya, “Often times the majority uh shareholders would be able to elect their chairman. How is it here in NGCP a minority share was able to hold chairmanship of the company?”
Sumagot si Atty. Lally Mallari na nasa kapangyarihan ng board of directors ang maghalal ng chairman. Ayon sa kanya, “The board of directors can indeed elect who they want to be the chairman of the corporation.”
Ngunit hindi ito kinatigan ni Cong. Suarez, na nagsabing “Now isn’t it quite ironic that a minimum share a a a minority shareholder will hold the highest position in the company”.
Ipinahiwatig niya na taliwas ito sa normal na sistema kung saan ang mayoryang shareholders ang nag-e-elect ng chairman.
Transparency Minutes
Bilang hakbang para mas maunawaan ang proseso ng eleksyon, hiniling ni Cong. Suarez ang minutes ng meeting ng board of directors. Sinabi niya, “Can I also…request Mr. Chair the minutes of the elections of how the board conducted uh themselves Mr. Chair so move Mr. Chairman.”
Ipinaliwanag ni Atty. Mallari na ang halalan ay nakabatay sa kasunduan ng mga miyembro ng board. Ayon sa kanya, “This depends on the agreement amongst the members of the board of directors.”
Hindi pa rin kontento si Cong. Suarez at idiniin na kailangan makita ang mga detalye ng halalan. Aniya, “Can we just ask for the minutes of how the elections was conducted among the board of directors and the officers of NGCP just so that we can get the feel of how it transpired?”
Sumang-ayon naman si Atty. Mallari sa pagsumite ng requested documents. Sinabi niya, “Will submit the minutes as requested by this committee.”
Ang Papel ng Chinese!
Isa pang kontrobersyal na usapin ang papel ni Wen Bo, Chief Technical Officer ng NGCP, sa pagbili ng lupa para sa isang proyekto. Ayon kay Cong. Suarez, “I have documents here from NGCP addressed to the president of the company from their Chief Technical Officer Mr. whose name is Wen Bo.”
Ang dokumento ay may kaugnayan sa pagbili ng lupa para sa isang transmission line project: “The subject of the document is request for approval of authority to purchase lands and land rights using the preferred valuations for EB Magalona Bakod for a 230-kilowatt transmission line project.”
Pinuna ni Cong. Suarez ang sitwasyon kung saan isang Chinese national ang gumagawa ng mahalagang desisyon para sa isang utility company na napakahalaga sa Pilipinas.
Ayon sa kanya, “It leaves a very bad taste in the mouth that even to decisions of this nature in a company running basic utilities in our country such decisions have to be made by a Chinese national as chairman.”
Sinabi ni Atty. Mallari na pumasok siya sa NGCP noong 2019, ngunit ang dokumento ay mula pa noong 2014, ayon kay Cong. Suarez. Idiniin niya ang kanyang pagkabahala, “We find ourselves in a very peculiar situation right now where sovereignty is a very uh sensitive topic in our country right now… Are they even deciding certain decisions that should be left for Filipinos to decide?”
Mga Pangunahing Isyu
- Kontrol ng Minorya: Bakit hawak ng isang minority shareholder (Chinese) ang pinakamataas na posisyon sa NGCP?
- Transparency: Hiniling ang minutes ng halalan ng board upang malaman ang proseso.
- Pambansang Seguridad: Paano naaapektuhan ng Chinese influence ang utility sector, lalo na sa usaping soberanya?
- Desisyong Lokal o Banyaga: Bakit Chinese national ang nagdedesisyon sa mga transaksyon sa lupain ng NGCP?
Soberanya at Seguridad
Ang usapin ng NGCP ay hindi lamang tungkol sa negosyo. Ito ay may malalim na implikasyon sa soberanya at seguridad ng bansa. Ang tanong ngayon: Sino nga ba ang dapat magdesisyon para sa utility sector ng Pilipinas? At paano masisiguro ang transparency at accountability? —by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?