May tensyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte nang mag-akusa si Duterte ng iregularidad sa 2025 national budget. Ayon kay Duterte, hindi pinondohan ang ilang mga item sa budget,
kaya’t binigyan nito ng malawak na kapangyarihan si Marcos na maglaan ng pondo. Tumugon si Marcos at tinanggi ang mga alegasyon, tinawag niyang kasinungalingan ang mga sinabi ni Duterte.
“He’s lying because he knows perfectly well that doesn’t ever happen,” ani Marcos sa mga reporters. “He’s a president, he knows that you cannot pass a GAA with a blank… He’s lying,” dagdag pa ng Pangulo.
Itinanggi rin ni Marcos na may blangkong item sa General Appropriations Act (GAA) dahil sa mga masusing pagsusuri ng mga propesyonal mula sa Kongreso at Department of Budget and Management (DBM).
Mga Opisyal, Tumugon sa Mga Alegasyon
Pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga pahayag ni Duterte at sinabi niyang kumakalat ang “misinformed and malicious sources.” “Peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal.”
Pahayag ni Bersamin. Iginiit niyang imposibleng magkaroon ng blangkong item sa budget dahil sa masusing pag-audit ng mga eksperto mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Inulit ng DBM na kumpleto at walang anumang blangkong detalye ang isinumiteng panukalang batas na nilagdaan ni Marcos. Ayon sa DBM, tinutukoy ni Duterte ang Bicameral Conference committee report, hindi ang aktwal na General Appropriations Act na isa nang ganap na batas.
Pinagmulan ng Impormasyon at Paliwanag ng Mga Eksperto
Ipinaliwanag ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na batay sa impormasyon mula kay Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, na dating chairman ng appropriations committee.
Sinabi ni Duterte ang kanyang opinyon na may mga “infirmities” sa GAA. “Hence, FPRRD is saying IF as charged by Ungab, the GAA was signed with infirmities, then those responsible could go to jail,” paliwanag ni Panelo.
Hinamon ni Marcos ang publiko na hanapin sa website ng DBM ang sinasabing blangkong item sa budget upang mapatunayan ang kasinungalingan ng akusasyon. “Hanapin ninyo ‘yung sinasabi nila na blank check. Tingnan ninyo kung mayroong kahit isa para mapatunayan na tama ang sinasabi ko kasinungalingan ‘yan,” dagdag pa ni Marcos.
Patuloy na nagpapatuloy ang mainit na pagtatalo, at muling lumitaw ang isyu ng 2025 national budget bilang isang kontrobersyal na paksa sa politika. Habang papalapit ang midterm elections,
nagpapakita ng lumalalang hidwaan ang mga pahayag ni Duterte at ang reaksyon ni Marcos. Kung magpapatuloy ang ganitong tensyon, maaaring magdulot ito ng mas malalim na politika sa bansa sa mga darating na taon.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?