“Katawa-tawa. Mukhang sirkus po ang ginawa. Lawmakers kami [pero] lumalabas na law breakers sila… Niloloko nila ‘yung tao,” ~ Rep. Luis Raymund Villafuerte
“Sobrang kalokohan ang ginawa nila. They can give all the legislative, legal justification for what they did. But you know in your hearts that it’s simply wrong… May COVID ganon ang gagawin mo,”
“I will not allow you to burn this House down… marami na akong Goliath na kinalaban. You’re in for one hell of a fight.” ~ Rep. Alan Peter Cayetano
“Everything is fake, everything is illegal, everything is unconstitutional. Challenge ko sa kanila: Gawin niyo ‘yan sa plenaryo kung may numero kayo. Kung may numero kayo we will accept, kung wala let’s all work together to approve the budget. Iyan ang panawagan,”
Ang balita tungkol sa pagpapatalsik kay Cayetano ay kumalat Lunes ng umaga, matapos sabihin kay Albay Rep. Joey Salceda sa ANC na hindi bababa sa 167 mambabatas ang pumirma sa isang manifesto para kay Velasco.
Ang mga larawan ng isang pagtitipon sa Celebrity Sports Plaza sa Lungsod Quezon kasama ang kanilang version ng House mace, ang simbolo ng awtoridad ng silid na naroroon sa mga sesyon, ay inilabas sa media.
Sinabi ni House Sergeant at Arms Ramon Apolinario na ang official mace of the chamber ay nasa kanyang custody.
Nagpalabas ng statement si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagsasabing nais ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago na ipatupad ang term-sharing agreement sa pagitan nina Velasco at Cayetano.
Si Velasco ay nagpakita sa Celebrity Sports Plaza.
Nagdaos ng press briefing si Cayetano sa Batasan Pambansa.
Nagsisimula ang “Session” sa Celebrity Sports Plaza.
Ilang 186 na mambabatas sa Celebrity Sports Plaza ang nagdeklara na bakante ang House Speaker, na sinasabing higit ito sa hiniling sa 151.
Tumanggi si Cayetano na kilalanin ang session sa Plaza. “I will not allow you to burn this House down… marami na akong Goliath na kinalaban. You’re in for one hell of a fight.”
Ang mga lawmakers sa Plaza ay naghalal ng mga bagong officials ng Kamara kasama si Mao Aplasca bilang Sergeant-at-arms at Jocelia Bighani Sibin bilang Secretary General.
Nanumpa si Velasco at sa isang speech pinasasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, kasama ang matagal nang aide ng Pangulo na si Sen. Christopher “Bong” Go.
Tinawag ng kaalyado ni Cayetano na si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang boto sa Celebrity Sports Plaza na “katawa-tawa.”
Tinawag din ni Villafuerte na “illegal” ang hakbang ng kanyang mga kasamahan, na binanggit ang lokasyon ng session at kawalan ng isang official na House mace.
“Everything is fake, everything is illegal, everything is unconstitutional. Challenge ko sa kanila: Gawin niyo ‘yan sa plenaryo kung may numero kayo. Kung may numero kayo we will accept, kung wala let’s all work together to approve the budget. Iyan ang panawagan,”aniya.
Kalaunan ay pinaglaban ito ni Velasco at sinabi na may precedence para sa mga sesyon ng Kamara na gaganapin sa labas ng Batasan Pambansa. “Noong nagkaroon tayo ng pagsabog ng Taal Volcano, the whole House went to… Batangas to hold a House session. It’s the same. Under the rules, it is allowed. This wasn’t a sham session,” sabi ni Velasco.
Ipagpapatuloy ang pagdinig sa badyet Martes, Oktubre 13, kasunod ng panuto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives na magsagawa ng isang espesyal na sesyon.