Kontrobersyal na paliwanag ni Harry Roque na hindi matanggap ng dilawan sa pagpapalaya kay Pemberton:
Nagtagumpay po kami, na-convict po namin si Pemberton. Ang binura lang po ng Presidente ay iyong karagdagang parusa kung mayroon pa. Hindi po binura ng Presidente iyong desisyon na mamamatay na tao po si Pemberton.
Kontrobersyal na paliwanag ni Harry Roque na hindi matanggap ng dilawan sa pagpapalaya kay Pemberton
Unang-una po, nagtagumpay po kami, na-convict po namin si Pemberton. Ang binura lang po ng Presidente ay iyong karagdagang parusa kung mayroon pa. Hindi po binura ng Presidente iyong desisyon na mamamatay na tao po si Pemberton.
Ang pupuwede pong magbura niyan ay iyong amnesty. Pero ang amnesty po ay hindi naman po puwedeng ibigay lang sa isang tao, kasi iyong amnesty erases even fact of the crime. Ang pardon po, iyong parusa lang ang binubura; mamamatay tao pa rin po si Pemberton sangayon po sa desisyon ng ating hukuman at hindi po iyan nabago. Nakulong din po si Pemberton ng limang taon.
At tapatan lang, bago natin i-apply iyong GCTA na tinatawag na isang bagong batas, kung ia-apply po natin iyong dating batas na Indeterminate Sentence Law, ang totoo lang po niyan, siguro mga ilang buwan lang, hanggang six months siguro ang pupuwede naming ipaglaban na makulong pa si Pemberton. Pero under the Indeterminate Sentence Law po talaga, kapag na-meet na niya iyong six years minimum ng incarceration ay pupuwede na siya, eligible na siya para sa parole.
So naparusahan naman po siya, nagbayad naman po siya ng danyos mahigit 4 million. At ang tingin ko po dahil sintensiyado siya, siya ay mamamatay tao, pati iyong kaniyang serbisyo sa hukbong sandatahan ng Amerika, maapektuhan iyan. Sa tingin ko po, nakamit natin ang katarungan at bagama’t mas marami ang nagsasabi na dapat nga mas matagal ang kulong sa kaniya, ang katotohanan naman po ay mayroong ngang mas importanteng national interest na tinataguyod ng ating Presidente.
Hindi masama ang loob ko dahil sa tingin ko nga kabahagi ito nang mas malawak at mas importanteng national na interest.
Hindi na po ako nasorpresa, sa totoo lang po. Bakit po? Kasi alam ko po na mayroong mas mataas o mas importanteng national interest na kinakailangang pangalagaan ng Presidente. Bagama’t pareho pa rin po kami ng paninindigan pagdating doon sa indipendiyensa at pagiging malaya ng Pilipinas.
Pero sa panahon po ng pandemic, huwag nating kakalimutan, apat na bansa lang po ang gumagawa ng vaccine. at napapansin naman natin na ang Presidente ay talagang binibigyan ng emphasis na sana magkaroon na nga ng vaccine.
At sa tingin ko naman, itong desisyon nga ni Presidente – ito ay personal na opinyon ko dahil tinanong mo ang aking personal na opinyon ‘no – ang pagbibigay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ni Presidente na kapag mayroon na ngang vaccine na na-develop kung sa America man ay makikinabang din ang Pilipinas.
Kagaya ng aking sinabi, ang tingin ko po iyong pardon, bagama’t ito ay personal na opinyon ko, ay para po makinabang ang mga Pilipino sa vaccine laban sa COVID-19 kung mga Amerikano nga ang maka-develop niyan.
So sa akin po, tinatanggap ko po iyan bilang riyalidad na mayroong mga mas importante nating mga interes na tinataguyod ang ating Presidente. And moreover ‘no, alam ninyo iyang pardon talaga at saka parole, bilang isang naging propesor ng batas sa UP College of Law nang labinlimang taon, iyan po ang pinaka-presidential of all presidential functions.
So wala pong kahit sinong pupuwedeng magkuwestiyon niyan dahil noong tinalaga po natin at hinalal natin ang Pangulong Duterte bilang presidente, binigyan po natin siya ng kapangyarihan na magpardon at parole – at iyan po ay without subject to any reservations. Nasa sa kaniya lang po iyon.
Hindi po pampalit si Jennifer Laude dahil nakamit po namin ang katarungan – napakulong po namin si Pemberton, nagbayad po ng 4 million plus na danyos si Pemberton sa pamilya. At the best case scenario for the family of Laude would have been to delay his release by a couple of months dahil mayroon nga po tayong Indeterminate Sentence Law which is different from GCTA.
Ang pagkakaiba po niyan, iyong GCTA maski hindi ka pa naka-meet ng minimum sentence mo, pupuwede ka ng mapalaya applying the new law, applying iyong mga credits. Pero under the old law na Indeterminate Sentence Law, kinakailangan ma-meet mo muna iyong minimum at, afterwards, you will be eligible for parole.
So iyon po iyong katotohanan – iyong katotohanan is privately I would have wanted him to serve the maximum that he can, but it would not have been ten years. In no case, it could have been ten years kasi nag-iisa nga siya doon sa kulungan. Paano naman siya magkakaroon ng demerit kung siya ay nag-iisa lang.
In the same way na kinukuwestiyon din ni Atty. Suarez, paano siya magkakaroon ng merit dahil nag-iisa siya. Pero ito nga iyong mga legal controversies na sabi ni Presidente, huwag na nating puntahan iyan dahil talagang hindi naman namili si Pemberton kung saan siya ikukulong at kung anong legal na basehan.
So nakamit po ang katarungan, Joseph. Wala po tayong ibinayad kahit ano. Ang personal na opinyon ko and the reason why I’m comfortable with the decision is kung mayroon ngang vaccine, inaasahan natin na itong mas malapit na samahan sa panig ng Pilipinas at ng Amerika, sa panig ng Pilipinas at Tsina, sa panig ng Pilipinas at Russia ay magiging dahilan para makinabang tayo sa vaccine na made-develop nila kung mayroon man.
-SPOX Harry Roque