Pagsisimula ng Imbestigasyon
“Nagsimula ang lahat na ito sa isang speech at request for investigation,” ayon kay Congressman Rolando Valeriano. Noong September 3, 2024, inihain niya ang privilege speech number 379 para talakayin ang paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) mula 2022 hanggang 2024.
Kasunod nito, nagkaroon ng manifestation si Congresswoman Geril R. Luistro noong September 2, 2024, na nagtuon sa budget ng Department of Education (DepEd), kabilang ang mga laptop na hindi naipamahagi.
Mga Katanungan sa Paggamit ng Pondo
“Paulit-ulit lumilitaw at pinaka nakakabahala ang mga issue patungkol sa confidential funds,” ayon sa mga mambabatas. Lumabas na mula sa 4th quarter ng 2022 hanggang 3rd quarter ng 2023, ginastos ng OVP ang ₱500 million confidential funds.
Sa DepEd naman, ₱112.5 million ang nagastos mula 1st hanggang 3rd quarter ng 2023. Ang tanong ng marami: “Saan napunta ang confidential funds?”
Mga Natuklasan
Ibinunyag ng imbestigasyon ang nakikitang anomalya:
- Non-Existent Names: Sinuri ng Philippine Statistics Office (PSA) ang acknowledgment receipts ng DepEd. Ayon sa kanila, “Tayo po ay binigyan ng tugon ng Philippine Statistics Office… out of 677 individuals, 405 ay walang birth certificate.” Isa na rito ang “Mary Grace Piattos,” na kinumpirma ng PSA na walang rekord sa kanilang talaan.
- Kakulangan sa Audit: Wala umanong malinaw na sistema para masiguro ang tamang paggasta ng confidential funds. Sinabi pa ng isang opisyal, “Ginagamit nila ang salitang confidential upang magbigay sa atin ng peking ilusyon na kahit ito’y lihim ang mga pondo ay ginastos ng tama.”
- Kakulangan sa Fidelity Bonds: Ang mga special dispersing officers (SDO) ay may mababang bond amounts kumpara sa hawak nilang pondo. Halimbawa, si Gina Acosta ay may bond na ₱8 million ngunit accountable para sa ₱500 million.
Pondo ng OVP: “Nakakabahala”
Ayon sa mga mambabatas, “nakakabahala na halos kalahati ng budget ng OVP para sa 2023 at 2024 ay napunta sa pagtatayo at pagpapanatili ng mga satellite offices nito.” Ang budget ng OVP noong 2023 ay ₱2.3 billion, pero bumaba ito sa ₱733.2 million noong 2024 dahil sa mga hindi maipaliwanag na gastusin. Sa kabila nito, humiling sila ng ₱2.37 billion para sa 2025.
Ano ang Mga Susunod na Hakbang?
Upang tugunan ang mga isyung ito, nag-draft ng dalawang batas ang mga kongresista:
- Confidential Intelligence Funds Act – Magtatakda ng regulasyon sa confidential funds at magpapataw ng parusa sa maling paggamit.
- Act Regulating SDOs – Tutugon sa hindi sapat na sistema ng accountability para sa mga SDO.
Ang mga kongresista ay patuloy na mag-iimbestiga upang matiyak na ang pera ng bayan ay ginagamit ng tama at may pananagutan. Hindi sila titigil sa confidential funds lamang, kundi sisiyasatin din ang iba pang aspeto ng paggamit ng pera ng bayan para punan ang mga kakulangan sa batas.
Sinabi pa nila, “Ang mamamayang Pilipino ay may karapatan malaman kung saan napunta ang kanilang pinaghirapang pera.”
“Siguro po panahon na upang harapin natin ang katotohanan na hindi lahat ng mga nahalal o nalalagay sa posisyon ng sa gobyerno ay pwedeng basta-bastang pagkatiwalaan kailangan pa rin ng safeguards pati sa confidential funds sapagkat hindi maiiwasan na may mga nagtatangkang gamitin ang pagka konfidential nito upang itago ang impormasyon at pag-aabuso sa tiwala ng taong bayan”.
Isang Hamon ng Tiwala
“Siguro po panahon na upang harapin natin ang katotohanan na hindi lahat ng mga nasa gobyerno ay pwedeng pagkatiwalaan,” ayon sa mga kongresista. Naninindigan silang ang transparency at accountability ay hindi opsyon, kundi obligasyon sa mamamayan. —by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?