Q: Sir, Binanggit ninyo na dalawang senador, kasamahan ninyo, na same modus din po ‘yong nangyari, nagpakilala rin na local official at hinihingan din sila ng pera?
SP Zubiri: Yes, same modus. [Nag]panggap bilang gobernador, at humingi ng tulong para sa kanilang convention, at insistent talaga silang mabigyan ng pera. Grabeng pangungulit, ‘yong text ko nga eh, napakarami, na-screenshot ko na nga lahat para di ma-erase, for purposes of evidence.
No’ng tatawagang mo sila, hindi nila sasagutin, at magtetextback sayo. Sasabihin nila, ano sila, nasa malayong lugar, mahina signal, nasa coastal area. Iyon ang sagot nila, nasa coastal area, and talagang nakakaduda. Eh hindi naman tayo bobo, matalino naman – kaibigan naman natin lahat ng pulitiko, we can verify this.
Pero paano kung hindi po makapangyarihan ang tatawagan nila? Paano kung isang businessman o isang inosenteng indibidwal, syempre, madadali sila sa ganitong klaseng modus operandi, matatakot din sila. Kaya napakahalaga na mag-ingat po tayo.
And you know, this happened already. ‘Di ba ‘yong sa credit card scam ni Sen. Gatchalian, nawalan po siya ng P1 million. The last Congress, I was able to assist Senate President Sotto, together with Sen. Tolentino – and you can ask the staff of these two gentlemen, together with the former sergeant-at-arms of the Senate – dahil nireport po namin ito sa NBI at nahuli po ‘yong mamang nagpapanggap na governor of Guimaras.
Kinausap ako ni Sen. Tolentino and of course, SP Sotto at that time, kung kilala ko po ‘yong governor ng Guimaras dahil syempre, taga-Visayas, Mindanao po ako and, sabi ko, “Opo,” and tinanong niya, “Totoo ba ‘to, humingi ng pera sa akin para sa kanilang lakbay aral?”
So tinawagan ko po ‘yong office ng governor at sabi nila: “Hindi po, hindi po totoo ‘yan.” As a matter of fact ang dami nang may complaint galing sa iba’t ibang senador. One of which was Sen. Villar, dahil nilapitan using the name of that governor.
So halatang itong raket ay matagal nang nangyayari. It’s happened in several Congresses, and so we are warning those who are planning to do this type of estafa, extortion, pambobola, usurpation of authority, na mag-ingat po kayo. Kasi mahahanap po’t mahahanap kayo, at makukulong din po kayo. Makakasuhan [kayo]. This is not new, but we want to make sure that the pressure is on.
Pwede ko naman ‘tong pabayaan na lang, I could’ve just deleted it, blocked the number, pero inisip ko, noong nalaman ko kay Sen. Nancy at sa ibang senador na sila din po ay, well, there was an attempt to also extort from them and to dupe them, ay sabi ko: “Dapat siguro, hulihin na natin ‘to.” Kaya kinausap ko agad si Chief PNP at sabi niya sa ‘kin, “Hindi, hulihin natin Sen. Para at least turuan ng leksyon itong mga ito.”
That’s why we did what we have to do. Pero sabi ko nga, kung humingi lang ng tulong sa akin ‘yon, ‘di ba, eh maliit lang naman ang halaga. Kung humingi lang sa akin ng tulong ang mga tao, may pangangailangan, na emergency, tutulungan natin. Huwag na sana silang [mag]panggap bilang ibang tao at manloko.
Ano sa palagay mo?