Hinuli ng awtoridad ang sasakyan ni Representative Ralph Tulfo na dumaan sa EDSA busway.
Agad siyang nagbigay ng pahayag sa publiko at nangakong hindi gagamitin ang kanyang posisyon upang umiwas sa pananagutan.
Inamin ni Tulfo ang kanyang pagkakamali at tinanggap ang tiket na inisyu ng awtoridad.
“Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa publiko, lalo na sa mga naapektuhan at naabala ng insidente kamakailan kaugnay sa pagdaan ng aking sasakyan sa EDSA bus lane,” aniya.
Idinagdag niya, “Nabayaran na po ang mga kaukulang multa at sasailalim sa kinakailangang seminar upang higit na maunawaan at maipaalala ang umiiral na batas trapiko.”
MORE: Tumakas ang isang general sa arrest warrant sa pagkakasangkot sa P6.7B shabu
Pinagsabihan ni Senator Raffy Tulfo ang kanyang anak at inutusang humingi ng tawad.
“Pinagalitan ko at nag-sorry siya sa akin. Ang sabi ko, ‘Mag-apologize ka sa lahat.’ And that’s it,” wika ng senador.
Iginiit din niya na hindi inabuso ng kanyang anak ang posisyon nito, lalo na’t hindi ito gumamit ng protocol plate.
Ipinaliwanag niyang kabilang ang sasakyang nahuli sa convoy ng kanyang anak.
Tiniyak ni Representative Tulfo na hindi siya nag-name drop ng mga pulitiko upang makaiwas sa parusa.
Nangako siyang magpapatupad ng mga hakbang upang hindi na maulit ang insidente.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?