PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sir. Sir, just to ask about iyong call ng frontliners. Kasi may perception po ngayon na because the President accused them of wanting to mount a revolution against him [garbled] criticize the President or the government, you will be accused of mounting a revolution. So may impact, sir, on freedom of speech, people feeling that they might be, you know, suspected to oust the President.
So how does Malacañang then correct this perception especially since it appears that the President made this accusation without real solid basis because, of course, our frontliners are saying na they never naman made that call. So how do we correct this perception that may threat to freedom of speech, that people will be suspected of mounting a revolution just by criticizing?
SEC. ROQUE: Wala pong ganiyan; hindi po totoo iyang sinasabi ninyo. (Strike 1) Ang katotohanan po, nagsalita ang health workers, binigay ni Presidente ang lahat na gusto ng health workers. At kung napapansin ninyo po, marami pang problema na kinakailangang bigyan ng solusyon, pero hiniling po ng ating mga bagong bayani, ibinigay po niya.
Mayroon po siyang hinanakit na hindi siya binigyan ng pagkakataon sumagot doon sa kaniyang … sa liham na para sa kaniya, binalewala na po niya, ibinigay niya iyan. At iyong remarks niya tungkol sa nagnanais ng rebolusyon, hindi naman po directed talaga sa health workers iyan; directed po iyan sa mga kritiko na gumagawa ng mga hakbang na para bagang humihimok. Wala pong nakukulong sa kanila. Hindi po style ni Presidente iyon, hindi niya ikukulong iyan.
Ang hamon niya doon sa mga kritiko na gustong magrebolusyon – ngayon na! Wala po iyang … wala pong panunupil ng karapatan diyan. Wala ng drama, ang sabi Presidente, kung gusto ninyo ng rebolusyon, gawin ninyo na ngayon. So wala na pong karapatan na kinakailangang supilin dahil ang hamon niya, gawin ninyo na ngayon.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, does Malacañang think that critical speech is already tantamount to wanting to mount a revolution? Kasi, sir, iyon iyong parang pinaparating ng statement ni Presidente, people perceived it that way. So, are you going to correct that perception?
SEC. ROQUE: Hindi po. Kayo lang po ang nag-iisip ng ganiyan. (Strike 2) Ang sabi po ng Presidente ay malinaw: Iyong gustong magrebolusyon, magrebolusyon na. Hindi po naniniwala si Presidente sa chilling of rights. Ang sinasabi niya, kung gusto ninyo talagang patalsikin siya, gawin ninyo na ngayon. Wala nang padrama-drama, diretso na po. Iyan po ang hamon ni Presidente. Haharapin niya po kayo. Huwag na po kayong magdrama-drama diyan, diretso na! Iyan po ang sabi niya.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to press on your point doon sa rapid test. So, sir, is the government saying that you are not going to listen to the frontliners who say na dapat wala na totally iyong rapid test because they’re inaccurate, they miss more than 50% of the people who are still infectious? So how then will the government try to limit the spread if you still allow rapid test? Are you saying, sir, na kapag may rapid test kailangan din may PCR test? If so, wouldn’t this be redundant and more expensive? Why not just focus all our funding on purely just PCR test?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi kahit kailan, hindi po sapat ang PCR for a population of 110. Siguro po kapag puwede na ang pooled testing, we can confidently say lahat na po ay PCR testing. Pero may gamit po iyang rapid test na iyan. Ang mga lokal na pamahalaan, kapag sila ay nagbigay ng rapid test, kinu-confirm nila ang mga positives through PCR. Iyong mga IgG positive hinihiwalay na po nila iyan kasi hindi na sila infectious. Pero iyong mga nagni-negative pa rin eh pupuwede pa rin po iyang i-PCR test. So, it’s an initial screening.
At saka hindi naman po si Atty. Danz ay nagsasalita for 100% of the medical profession. Iba’t ibang bansa po gumamit po ng rapid test kits in conjunction with PCR at lahat po ng mga successful sa pag-contain ng COVID-19 kagaya ng Vietnam, kagaya ng South Korea, kagaya ng—pati bansang Japan dahil sila naman po ang nagma-manufacture ng mga rapid test kits; at ang Tsina ay gumamit din po niyan.
Having said that, sinabi naman po ng Presidente walang debate na ang pinakamagaling na test po talaga ay ang PCR test. Pero kagaya ng lahat ng test, hindi rin po 100% na guaranteed ang PCR test. Marami pong nagpo-false positive at false negatives din po diyan sa PCR test kagaya ng rapid test kits. So, lahat po ng magagamit natin, gagamitin natin.
PIA RAÑADA/RAPPLER: How often does the President get PCR-tested for COVID-19?
SEC. ROQUE: Hanggang tatlo lang po tayong questions, sorry po hanggang three questions lang po. (Strike 3)
Ano sa palagay mo?