Sa pelikulang “Heneral Luna,” ang matapang na Heneral ay nagsabi: “Ganito na ba talaga ang kapalaran natin? Ang maging kalaban ang kalaban, at kalaban ang kakampi? Nakakapagod.” Sa nagdaang mga araw, napakinggan natin ang mga testimonya ng maraming mga biktima ng karahasan sa probinsya ng Negros Oriental.
Mga kaso kung saan hindi na malinaw ang pagkakaiba ng kalaban at kakampi, at ng kriminal at ng pulis. Cases wherein even the line between right and wrong is blurred. Marahil sa susunod na pagdinig mayroon pang madadagdag.
Gusto ko lamang sabihin at bigyang diin, na bago pa man kayo naging Negrense, bago pa man kayo naluklok sa posisyon, bago pa kayo naging journalist o brodkaster, kayo ay Pilipino. Tayong lahat dito ay mga Pilipino. Sana naman, ito ang maging mas matimbang sa ating mga puso’t isipan.
Huwag nating hayaang manaig ang kasamaan, sa ating probinsya, sa ating bansa. We can still change the direction towards which we are headed – not towards violence, but towards good governance, towards peace.
On that note, I would like to thank, sa inyong lahat for the three days na marathon hearing. Pwede pa itong mag-fourth day pero naaawa na ako sa inyo. Ako, kaya ko pa pero naaawa na ako sa inyo dahil ‘yung iba diyan wala nang brief, wala nang panty. Isang panty lang suot-suot dito ilang araw na kayo dito. Uuwi kayo doon sa Negros Oriental na ‘yung brief ninyo, sige lang kayo laba.
Thank you sa lahat ninyo, sa inyong katapangan.
But before I end, nakalimutan ko palang banggitin, last night, tumawag sa akin si Former President Duterte at gusto niyang ipaalam dito sa committee hearing na ito at kinukumpirma niya na pumunta sa kanya ‘yung mga [Gokongwei]. Pumunta sa kanya at nagreklamo tungkol sa lupa na kanilang nabili kay late Herminio Teves na pamilya na sila daw ay talagang ginipit doon at napilitan na lang silang i-give up ‘yung lupa na kanilang pinagmamay-ari dahil lahat na lang ng diskarte ay ginawa laban sa kanila para mawalan sila ng gana sa lupa.
So ‘yan lang ang sabi ni Former President Duterte. Sabihin mo do’n sa hearing na galit ako diyan dahil [lumapit] sa akin si Gokongwei. Kahit na hindi dito nagpunta si Gokongwei ngayon, inimbitahan natin ‘yung Robina. Universal Robina pero gusto niyang maparating, sabi ni Former President Duterte na “Galit ako diyan dahil…” Lahat nang expletives na sinabi niya at ayaw ko nang i-reecho dito sa hearing na ito.
Lahat nang expletives sinabi niya. Wala lang daw siyang magawa noon dahil mayor pa siya nu’ng [lumapit] sa kanya ang mga Gokongwei. Pero nu’ng nag-presidente na siya, parang ibinenta na yata ‘yung lupa kaya wala na siyang ginawa.
So ‘yun lang. Complied na ako sa tawag ni President Duterte kagabi. Naparating ko na dito sa committee.
And balikan ko itong ating mga kapulisan. Hindi lang sa inyo ngayon na nandito sa harapan ko, sa lahat nang pulis ngayon sa buong Pilipinas na nagmo-monitor ngayon, maawa naman kayo sa PNP. Magbago na kayo.
Baka akala ninyo… Sorry. Baka akala ninyo masaya ako sa aking kinaroroonan ngayon… Na ako ang nag-iimbestiga sa inyo. Alam niyo dahil sa PNP… Pasensya na. Sorry. Napatapos ko ang aking mga anak. At kayo rin, napatapos niyo ng [pag-aaral] ang inyong mga anak dahil sa PNP. Naging senador ako dahil sa PNP kaya dapat…
Hindi ko na masabi tuloy ang gusto kong sabihin. Dapat makonsensya kayo, kayong mga may ginagawang masama. Bugbog na bugbog na ang ating organisasyon, ‘yung ating institusyon. Maawa naman kayo.
Kahit na gaano kabugbog, still the institution remains. People come and go, officers come and go, commanders come and go but the PNP remains at sana sa pag-iwan ninyo sa PNP, tingnan niyo. Magpasalamat kayo. “Thank you, PNP.” ‘Yun lang. Maraming salamat.
Source: Senate of the Philippines