Ang French Carrier Strike Group, na pinamumunuan ng Charles de Gaulle aircraft carrier, ay nakatakdang dumating sa Pilipinas sa pagtatapos ng Pebrero 2025.
Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang seguridad at kooperasyong pang-depensa sa pagitan ng France at Pilipinas.
Inihayag ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel ang balita sa isang forum sa Maynila noong Enero 23, kung saan binigyang-diin niya ang mga maritime security partnerships.
MORE: Dating TransCo president Matibag Pinatotoo na China Source Code ang gamit ng NGCP
Ang French group ay darating makalipas ang ilang linggo matapos lumahok sa mga military drill kasama ang US sa silangan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pacific Steller exercise.
Ito na ang unang pagbisita ng Charles de Gaulle sa Pilipinas, at sasali ito sa Le Perouse 2025 exercise kasama ang 13 naval vessels at mahigit 30 aircraft.
Habang pinapalakas ng France ang mga pakikipagtulungan sa Indo-Pacific sa ilalim ng estratehiya ni Pangulong Macron noong 2018, isinusulong din nito ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa Pilipinas, na kasalukuyang tinalakay pa.
Samantala, naglabas ng babala si US Senator Marco Rubio laban sa China, na nagsabing hindi dapat makialam sa West Philippine Sea (WPS).
Sumama siya sa mga bansa ng Quad—Japan, India, at Australia—sa pagtutol sa anumang unilateral na aksyon na magbabago sa status quo ng rehiyon gamit ang puwersa o pamimilit, lalo na kaugnay ng posibleng agresyon ng China sa Taiwan.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?