543
Ikinuwento ni Mike Defensor ang ginawang pagsugod-bahay ng mga supporters ng ABS-CBN. Si Defensor ay isa sa mga kongresista na nagsulong sa hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa nasabing network.
Ayon sa salaysay, may sampung sasakyan nagbubusina sa tapat ng kaniyang bahay upang takutin ang mga tao sa loob ng bahay.
Ikinuwento pa ni Mike na takot na takot ang 4 years old niyang anak na si Juliana Pia na makikita rin sa video. Hindi pa huminto ang mga ABS-CBN supporters dahil bumalik pa sila kinagabihan upang muling takutin ang pamilya.