Halos dalawang buwan pa lang si Mayor Isko Moreno Domagoso bilang alkalde ng Maynila, hindi na mabilang ang kanyang mga ginawang kapuri-puri sa bayan. Siya’y biglang nakilala hindi lamang sa Maynila kundi maging sa buong Pilipinas. Ngunit hindi lang iyan, sa mga oras na ito siya ay pinag-uusapan na sa buong mundo dahil sa kasikatan.
- Nilinis niya ang mga pangunahing kalsada sa Divisoria at Quiapo. Kinumpuni at nilinis ang mga ‘fishbones’ para doon ilagay ang mga nagtitinda. Ang monumento ni Bonifacio ay inayos ang mga sira at tinanggal ang mga banil, libag, dungis at tae-tae.
- Sinimulang i-rehab ang Arroceros Forest Park; hinabol ang mga sugarol sa Recto; hinuli ang mga sabog sa Baseco; inilunsad ang anti-corruption drive sa loob ng City Hall; pinatunayan na kayang magbigay ng business permit sa loob ng isang araw lang; at eto pa, ipinatupad ang pangkalahatang amnestiya para sa mga hindi nagbubuwis upang magkaroon ng ‘clean slate’ ang lahat ng negosyante.
Hindi lamang ito marami pang iba na ginawa na kung iisa-isahin natin! Masakit mang sabihin kung maririnig ni ex-Mayor Erap, sa loob ng 60 days ni Yorme mas marami pang nagawa kaysa sa anim na taon niya sa panunungkulan! Saklap! Real talk lang yan!
Ang netizen ay hindi madaling magbigay-papuri. Pero, ibahin si Yorme dahil isang araw pa lang sa pwesto tumawag na agad ng atensyon sa mamamayang Filipino. Isipin mo nga naman isang artista may ibubuga pala! Binago ni Mayor Isko na ang artista ay pwede talagang mahusay, magaling at matalinong maglinggod sa bayan. At eto pa uli, siya ang pinakabatang naging mayor ng Maynila!
Nakakagulat sa kanyang mga Facebook live dahil makikita mo ang daan-libo at million views. Talagang inaabangan na makita ang kanyang ginagawa.
Ngayo pa lang, may 18 ambassadors na ang dumalaw sa kanya upang ipakita ang suporta sa mayor. Maging ang mga cabinet secretaries ng Duterte administration ay nagtungo sa city hall upang mag-alok ng kanilang tulong. Walang pag-aalinlangan, nakuha ni Isko ang mga puso at isipan ng mga tao.
Ano nga ba ang meron kay Yorme?
Ano nga ba ang naiiba kay Yorme? Ano ba ang katangian na mayroon ang Yorme hindi lang na Maynila kundi Yorme ng buong Pilipinas? Siya na nga ba ang Tagapagligtas ng Maynila?
Una, mahal ni Yorme ang Maynila. Ang kanyang battle cry na ‘Walang magmamahal sa Maynila kundi ang mga batang Maynila’ ay totoo sa kanyang puso at diwa. Ang duyan ng kaluluwa ng Pilipinas ay ang Maynila na para sa kanya ay dapat muling ibalik ang dating dangal o higitan pa upang makilalang muli ang Pilipinas sa buong mundo. Buo sa loob ni Mayor Isko ang kanyang gagawin sa unang araw pa lang dahil hindi na niya matiis ang kawawaan at panggagahasa sa Maynila nila Eddie at Patty na walang puso kundi pansariling gusto lamang ang isinasa-alang-alang.
Ikalawa, alam ni Yorme ang problema at solusyon sa problema ng Maynila. Ang kabisera ng bansa ay nalubog sa kailaliman ng kahirapan, pagkabulok, at pagbagsak sa ilalim ng kamay ni Erap. Ang pag-ikot sa lugar ng Maynila ay hindi maitatago ang kabahuan, libag at banil na walang nagawa ang dating administrasyon. Si Yorme Isko ang bagong ‘tagapaglistas’ ng Maynila. Nagbigay ng pag-asa si Yorme sa pagtubos ng Maynila. Gusto natin na makita ang Maynila na kabisera ng bansa na malinis, ligtas, berde at talagang competitive! Maipagmamalaki na ang Maynila!
Ikatlo, handang-handa si Yorme sa laban. Hindi siya isang anak ng Mayor na natapos ang term ng tatay at ipinasa lang sa kanya kahit walang karanasan at batang-bata pa. HINDI! Maraming ganyan na naupo sa pwesto dahil ayaw bitiwan ng mga ganid na alkalde ang pwesto. Ibahin natin si Yorme, nahinog siya sa loob ng 18 years! Naglingkod bilang konsehal at vice-mayor sa loob ng mahabang panahon. Alam niya ang resa-resa ng batas, alam niya ang resa-resa ng kalakalan sa gobyerno, alama niya ang resa-resa ng mga tolongges sa kalye at sa pamahalaan. Alam niya at kilala sila! Hindi siya nangimi na harapin face-to-face si Eddie at Patty, isang gaya ni David na lumupig kay Goliath.
Ika-apat, totoong tao at totoong para sa mahirap. Kahit saan magpunta si Yorme pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Mas masasabi natin na mas sikat siya ngayon kaysa noong artista siya! Always ready siya sa Pa-picture mayor! Maging bata at matanda hindi niya tinatanggihan. Siya pa ang kukuha ng phone para siya mismo ang kumuha ng perfect shot. Kung lahat ng nagpapa-picture ay magbabayad ng ETNEB, yayaman ang kaban ng Maynila! Hahaha. Maraming pulitiko na pasikat at isnab, pero ibahin ang ating Yorme inaabot niya ang mga kababayan hindi lamang ang mayayaman lalo na ang mahihirap na kababayan.
Ikalima, marunong magpasalamat si Yorme. Ang isa pang hahangaan mo sa kanya ay marunong siyang magpasalamat at tumanaw ng utang na loob. Sa kanyang mga speeches madalas niyang purihin ang kanyang Vice-Mayor na si Honey Lacuna sa kasipagan at paglilingkod na ginagawa. Pinasasalamatan din niya ang lahat ng mga konsehal sa suporta na tinatanggap niya kahit hindi niya kapartido. Minsan pinuri at pinasalamat rin niya ang mga dating Mayors na sina Alfredo Lim at Lito Atienza (pero hindi nabanggit si Erap Estrada!) Panay ang banggit din niya ng pasasalamat sa kawani ng gobyerno, mga pulis, traffic enforcers, doctors, nurses, drivers, masunuring vendors, kapitan, konsehal ng barangay… at kahit sino pa na matapat na naglilingkod sa bayan. Maaalala rin na ginantimpalaan niya ang isang pulis na mag-isang humabol at humuli sa isang magnanakaw.
Ika-anim, hindi lang magaling magsalita, tumutupad siya sa kanyang mga sinasabi at pangako. Napakarami na niyang ginawang pangako at kahit hindi ipinangako! Sustento sa senior citizen, sustento sa single parent, sustento sa Grade 12 students… hindi na mabilang! Pero may mabibigat pa siyang pangako na sinisimulan ng tuparin – itulad ang Escolta sa Clark Quay ng Singapore, amnestiya sa buwis-negosyo, pagtatayo ng skywalk na pedestrian na magkakaugnay sa Intramuros sa Luneta at pasulong kay Liwasan Bonifacio at Escolta. Muling pagpapaganda ng Manila Zoo. Nangako rin siya na bibigyan ng maayos na tirahan ang mga informal settlers sa Baseco, Vito Cruz, Valderama del Pan, at Adriatico ng mga disenteng tirahan na may minimum na sukat na 45 square meters (sa ngayon maraming pamilya na ang nakikinabang ng sarili nilang bahay!) At marami pang pangnegosyong plano upang patuloy na umunlad ang Maynila.
Higit sa lahat, ikapito, hindi korap si Yorme. Hindi siya tumatanggap ng GAYLA at TANGGA. Kahit minsan sinabi niya ang sweldo ng mayor na napakaliit kumpara sa kanyang accomplishments. Kung gusto lang magpayaman, sana ginaya na lang din niya ang gawi ng dating administrasyon. Ayon naman kay Yorme mismo, nakinabang sina Eddie at Patty sa mga gayla at tangga ng mga organizers.
Totoong may-awa ang Diyos gaya ng madalas sabihin ng ating Yorme. Nahabag na ang Diyos at inalis na ni Bathala ang mga mapagsamantalang tao sa kabisera ng Pilipinas (pero huwag pasisiguro dahil aali-aligid lang ang mga lobo at asong-gubat!) Ingat po lagi Yorme, matutulog ka naman paminsan-minsan! Hehe
Maraming salamat po.
Manila, God first!
PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Maraming salamat po, kabayan.
Ano sa palagay mo?