Pinangunahan ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang pagbili ng 20% stake sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Nagkaroon ng pormal na seremonya ng paglagda sa kasunduan, kung saan nagsaksi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Upang simulan ang hakbang na magbibigay ng mas malaking impluwensya sa gobyerno sa sektor ng kuryente.
Ayon kay Rafael Consing Jr., presidente at CEO ng MIC, makakakuha ang gobyerno ng dalawang upuan sa board ng SGP at NGCP matapos ang acquisition.
“Once the acquisition is completed, we shall be entitled to two out of nine seats in the SGP board… At NGCP, the government gains representation through two out of 15 board seats,” paliwanag niya.
MORE: She Zhijiang minamaltrato sa Taiwan prison, dineny
Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, “This is a step towards attaining our goal of ensuring security of supply, reliability, affordability, and promoting competition in the power sector.”
Itinatag ng MIC ang unang investment nito mula noong Hulyo 2023, at magsisilbing karagdagang kapital ito upang mapabilis ang mga proyekto sa transmission ng NGCP.
Inaasahan ding mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng Department of Energy at NGCP upang mapabilis ang interconnection ng power grid sa buong bansa.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?