Binaril at pinatay ang alkalde ng Los Baños, Laguna na si Cesar Perez sa loob mismo ng municipal hall ngayong Huwebes ng gabi, December 3.
Si Laguna Gov. Ramil Hernandez, sa kanyang text message, ay nagsabing namatay na si Perez.
Idineklarang patay kaninang 9:25 p.m., ayon sa police report.
Ayon sa mga nakakita, ang mayor ay nasa open lounge sa likod ng municipal hall ng siya ay barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Naitakbo pa sa HealthServ Medical Center ang mayor ngunit binawian rin ng buhay.
Nagpahayag ng suporta sa social media ang ilang mga kababayan ng Los Banos para kay mayor.
Si Perez ay isa sa mga alkalde na nakalista kay Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa kalakal sa iligal na droga.
Noong Disyembre 2017, tinanggal ang kapangyarihan ni Perez sa lokal na pulisya dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga.