Pumasa na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na Free Funeral Services Act, o Senate Bill No. 2965, na naglalayong magbigay ng libreng serbisyo sa libing sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino.
Inilunsad ito ni Senador Raffy Tulfo upang mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilya sa oras ng kanilang pagdadalamhati.
MORE: FPRRD nanawagan ng patas na laban kay Marcos sa darating na election
Nagbibigay ang panukala ng mga serbisyong tulad ng paghahanda ng mga dokumento, embalsamo, burol, paglilibing, o cremation, pati na rin ang kabaong.
“Through this measure, we affirm our commitment to upholding human dignity—not just in life but also in death,” ani ni Tulfo.
“Naniniwala si Tulfo na karapatan ng bawat Pilipino na maihatid sa huling hantungan na may dignidad anupaman ang kanyang estado sa buhay,” dagdag pa niya.
Iniaatas ng panukala ang sistema kung saan magbibigay ang mga accredited na punerarya, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ng libreng serbisyo sa mga pamilyang hindi hihigit sa P15,000 ang buwanang kita.
“In the Philippines, funeral and burial services can range from 10,000 to hundreds of thousands of pesos. As such, many poor families are not only wracked with grief but also deep financial stress,” paliwanag ni Tulfo.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?