JOYCE BALANCIO/DZMM: Si Vice President Leni Robredo, she likened the denial of ABS-CBN franchise to the closure of a network in the hands of a dictator during the Martial Law. And I will quote her, “Akala ko noong tayo ay lumalaban sa diktador ay natuto na tayo ng mga leksyon pero nauulit ang kasaysayan. Iyong aral mauulit din.”
Secretary, is the denial of ABS-CBN franchise a dictator move?
SEC. ROQUE: With all due respect we disagree, but we do so vehemently. Alam po natin ang nangyari doon sa panahon ng Martial Law, may prangkisa po, ipinasara. Pero ang nangyari po ngayon, napaso ang prangkisa, hindi po na-renew.
Alam ko po na ang sinasabi nila na ang isyung ito ay karapatan ng malayang pamamahayag pero kapag ang pamamahayag po ay nakadepende sa prangkisa, kinakailangan masunod din ang probisyon ng Konstitusyon na dapat mayroong prangkisa na nanggaling sa Mababang Kapulungan.
We beg to differ with due respect to the Vice President.
Now, alam kong maraming magtatanong sa atin, pero siguro po dahil inaasahan nating maraming tanong dito sa aming limang resource person, sasagutin ko na po ang isyu ng ABS-CBN dahil ito po iyong kauna-unahang press briefing matapos po magkaroon ng desisyon ang House Committee on Franchises sa ABS-CBN.
Sa mula’t-mula po, sinasabi ng ating Presidente, neutral po siya sa isyu ng ABS-CBN. Dati po mayroon siyang hinanakit; nagpatawad na po ang Presidente at nagdesisyon na po ang Committee on Legislative Franchises ng Mababang Kapulungan.
Wala pong ibang ahensiya ng gobyerno na makapagbibigay ng prangkisa kung hindi ang House of Representatives – dapat po magsimula diyan. At sang-ayon po sa rules ng House of Representatives, kinakailangan paboran ng House Committee of Franchise bago po makarating sa plenary.
Sang-ayon o tutol man tayo rito, dumaan po sa proseso at iyan po ang naging desisyon ng komite – kinakailangan po respetuhin ng lahat. Mayroon ba hong malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN?
Aaminin ko po, mayroon po – dito po sa Office of the Press Secretary, mas matindi pong interview ang gagawin natin dahil nawala po iyong pinakamalaking reach para sa dissemination natin. Pero ganiyan po talaga, tatanggapin lang natin ang desisyon ng Franchise Committee dahil iyan naman po ang nakasaad sa ating Saligang Batas.