USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng NTC na ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19. Umaasa si VP Leni na mamumulat ang administrasyon sa panganib na dala ng pagsasara ng ABS-CBN habang patuloy daw po ang krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19.
Sabi po ni VP Leni, bakit ito ginawa ngayon sa panahong humaharap tayo sa matinding krisis. Wala dapat puwang sa panggigipit umano at pansariling interes sa mga panahon kung kailan dapat nagtutulungan.
SEC. ROQUE: Well, talaga pong iyan lang po ang magagawa natin ‘no, kuwestiyunin ang desisyon ng NTC. Dahil sang-ayon sa batas, it is a quasi-judicial body, hindi po natin pupuwedeng panghimasukan. Malaya naman po tayong kuwestiyunin ang desisyon na iyan pero ultimately, tanging ang NTC lang ang pupuwedeng magbigay ng desisyon at tanging mga hukuman lang ang pupuwedeng bumaliktad sa desisyon na iyan.
Pero sa tingin ko po, dahil bukas naman po ang Kongreso, ang solusyon ay kinakailangan hingin ng ABS-CBN ang kaniyang prangkisa sa ating Kongreso.
Hingi po sana daw sila ng reaksiyon tungkol doon sa paglabas ng galit at hinaing ni Mr. Coco Martin sa pagsasara sa ABSCBN kung saan pinagkaitan ng hanap-buhay ang libu-libong pamilya sa panahon ng pandemya. Buti pa raw ang sugal na ipinapasok sa bansa ng POGO ipinaglalaban ng gobyerno.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyan naman po ay nagpapatunay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas, mayroong malayang pananalita at wala pong sumusupil sa kalayaan ni Coco Martin na magsalita.
Pero parang hindi tama iyong comparison between ABS-CBN and ng mga POGO, dahil unlike iyong mga broadcast companies, wala pong probisyon sa Saligang Batas kung sino pupuwedeng magbigay ng authority para mag-operate ang POGO. Ang POGO po, tanging PAGCOR lang ang puwedeng magbigay ng desisyon kung sila’y puwedeng mag-operate; samantalang ang broadcast company po ay tanging Kongreso lang po ang may ganiyang kapangyarihan.
POPULAR: HINDI pa rin LUSOT si Ayala at Pangilinan sa batas kahit nag-apology si Duterte
JOYCE BALANCIO/DZMM: On ABS-CBN lang, sir. Does the Palace think that the Congress is at par with its job of you know really representing the people who elected them? I am asking this sir, because there are a lot of statement of support for ABS-CBN pouring in at this time coming from different organization, press corps, groups and even, you know, ordinary citizens, if you just look at social media, you will see a lot of statement of support calling for the renewal of the franchise of the network. Sir, should Congress not ignore these statements, if they really want to prove that they are staying true to their oath that they will be serving only the interest of the people who elected them?
SEC. ROQUE: I think that is a matter that is better left to be answered by Congress. But having been myself a part of the House of Representatives, ang masasabi ko lang po – at ang Presidente rin natin ay naging Kongresista rin — hindi naman po bulag, hindi naman bingi ang inyong mga representante sa hinaing ng mga taumbayan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Should they not ignore?
SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan. Sa aking eksperyensiya po at ang eksperyensiya din ng ating Presidente noong kami po ay parehong nasa Kongreso, hindi naman po nagbubulagbulagan, hindi naman nagbibingi-bingihan ang mga Congressman sa hinaing ng kanilang constituents.
USEC. IGNACIO: Okay, question from Bella Cariaso. Secretary, tatlo po iyong question niya. Reaksiyon po sa statement ni Bishop Broderick Pabilio, Apostolic Administration ng Archdiocese of Manila sa pagsasara ng ABS-CBN. Sabi niya the specter of martial law is coming up. This action of the government is not uniting the people. In fact, it is using the pandemic as a cover for its dastardly deed?
SEC. ROQUE: Nirerespeto po natin ang desisyon ni Bishop, pero ang katotohanan po, bukas po ang Kongreso, bukas po ng ating Supreme Court at ating ibang mga hukuman, bukas po ang mga media outlets, bukod lang po sa ABS-CBN dahil nawalan nga siya ng prangkisa. So, sa tingin ko po, malayung-malayo tayo sa sitwasyon ng martial law noong 1972.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya, even Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., reacted on the shutdown of ABS-CBN saying it’s a shame for the National Telecommunications Commission (NTC) and the House of Representatives. Ano po ang masasabi ng Palasyo dito na maging opisyal ng gobyerno na naniniwalang kahihiyan umano sa NTC at Kamara ang ginawa sa ABS-CBN?
SEC. ROQUE: Wala naman po kaming reaksiyon, dahil iyan ay personal na opinion ni Secretary Locsin. We leave it at that.
Isinusulong po ngayon sa Kamara ang abolition ng NTC dahil sa naging kautusan nito versus ABS-CBN. Ano daw po ang reaksiyon ninyo, rito?
SEC. ROQUE: Ano, iyong isinusulong? Hindi ko nakuha. Sinusulong sa Kamara ang?
USEC. IGNACIO: Iyong abolition ng NTC?
SEC. ROQUE: Ay iiwan po natin iyan sa Lehislatura; alam naman po ninyo iyan, indipendiyente at co-equal body branch of government iyan. Kung talagang ia-abolish naman nila ang NTC, eh ipapatupad naman po iyan ng ating executive branch of government.
USEC. IGNACIO: Secretary, may observation ngayon daw po na naghuhugas kamay ang mga Kongresista sa pagpapasara sa ABS-CBN at lahat po ng sisi pinupukol sa NTC. Maging si Anak Kalusugan Representative Mike Defensor po ay nagpalabas ng pahayag kung saan kinuwestiyon niya ang naging aksyon ng Kamara sa nakalipas na taon kaya daw po naabutan na ng expiration ang franchise ng ABS-CBN. Ano po ang take ng Palace rito?
SEC. ROQUE: Well, malinaw ng malinaw sa Saligang Batas, tanging ang Kongreso lamang po ang tanging magbigay ng prangkisa. Wala na pong ibang ahensya ng gobyerno na pupuwedeng magbigay ng ganiyang prangkisa.
Kung ang isyu naman ay pupuwede bang magbigay ng provisional authority ang NTC sa isang kumpanya na napaso na ang kaniyang prangkisa, iyan po ay isinampa na sa Korte Suprema at mabibigyan tayo ng kasagutan ng ating hukuman. Antayin po natin ang sagot ng hukuman.