Siyam katao ang kakasuhan umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa paglusot sa mandatory quarantine ng isang Pinay na galing Amerika, at sinasabing dumalo umano sa party sa Makati.
Sa isang pahayag, sinabi ng CIDG na, “Gwyneth Anne Chua violated Rule XI, Section 1 (g) (iii), (iv) of the IRR of R.A. 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”
“The CIDG Regional Field Unit NCR, the unit handling the case, was already able to establish the facts relative to the case of the Returning Overseas Filipino (ROF), Gwyneth Anne Chua,” ayon pa sa CIDG.
Sinabi pa ng CIDG na kasama rin sa kanilang sasampahan ng reklamo ang mga magulang ni Chua, at ilang tauhan ng hotel kung saan dapat naka-quarantine si Chua.
“CIDG will be filing cases against nine persons, including Ms. Chua, her father and mother, and several personnel of the hotel (quarantine facility),” ayon pa sa pahayag.
Sinisikap pa ng GMA News Online na makuha ang panig ni Chua kaugnay sa pahayag ng CIDG. Kaagad naming itong ipo-post sa sandaling magbigay siya ng pahayag .
Kinalaunan ay lumitaw na positibo sa COVID-19 si Chua.
Ayon sa CIDG, hind kakasuhan ang mga naging close contact ni Chua pero hihikayatin silang magsampa ng reklamo laban dito.
“As for the individuals who were in the company of Gwyneth Anne Chua on the night of December 23, 2021 and were allegedly infected by the virus, CIDG did not find sufficient evidence to charge them with any offense in relation to the vioaltions committed by Ms. Chua,” ayon sa CIDG.
“However, CIDG recommends and encourages the said individuals to file a complaint before CIDG for further referral to the prosecutors office,” dagdag nito.
Ayon sa CIDG, lumitaw sa imbestigasyon na:
• Dinala si Chua sa hotel (quarantine facility) at nag-checked-in sa Berjaya Hotel Makati noong December 22, 2021 ng 11:23 PM.
• Dakong 11:40 PM ng araw na iyon, sinundo si Chua sa hotel ng kaniyang ama at umalis.
• Nakumpirma ng mga imbestigador na nakita si Chua sa isang restaurant noong gabi ng December 23, 2021.
• Noong December 25, 2021 sa ganap na 9:00 PM, nang bumalik si Chua sa hotel at sinamahan ng kaniyang ina. —FRJ, GMA News
Read full story here {GMA News}: ‘Poblacion Girl,’ kakasuhan sa paglusot sa quarantine protocols; mga magulang niya, damay.
_________________
For more news and updates, visit our socials
Twitter: Pinas.news account
Facebook: Pinas.news page
YouTube: Pinas News channel
Join our growing community: OFWs-Pinoy Tambayan