Mataas na Kahoy Issue
Planong talakayin ng Committee On Public Accounts ang alegasyon ng maling paggamit ng public funds at iregularidad sa Mataas na Kahoy, Batangas. Ang hearing ay nag-ugat sa reklamong isinampa ng isang citizen’s coalition laban sa alkalde at bise alkalde ng bayan, partikular sa P5 milyong cash deficit at mga kaduda-dudang gastusin para sa COVID-19 response.
Ano ang Layunin ng Hearing?
Sa simula pa lang ng hearing, nagkaroon ng malalim agad na diskusyon hinggil sa legislative purpose ng hearing. Si Cong. Rodante Marcoleta ang nanguna sa argumento, binigyang-diin ang kahalagahan ng malinaw na layunin bago mag-imbestiga.
Sabi niya: “Kailangan pong meron tayong contemplated legislative purpose.” Pinunto rin niya na hindi dapat unahin ang imbestigasyon kung wala pang layunin, gamit ang salitang: “Hwag natin pong ilagay yung Kalesa na nauuna po sa kabayo.”
Dagdag niya, kung walang malinaw na layunin, “…baka kung saan-saan po tayo mapunta.”
Binanggit ni Marcoleta ang kaso ng – – – vs. Senate, na nagtatakda ng dalawang requirements para sa valid na legislative inquiry: dapat may layunin at malinaw na saklaw ng mga tanong.
Ang Salungat na Pananaw nina Jinky Luistro at Caraps Paduano
Si Cong. Jinky Luistro, bagamat nirerespeto si Marcoleta, ay tumutol sa pananaw nito. Ayon sa kanya, hindi kailangang may umiiral na panukalang batas para maglunsad ng imbestigasyon.
Sinabi niya: “…the case cited by Congressman Marcoleta did not require Congress to have an existing or proposed legislation before we could conduct investigations in aid of legislation.”
Idinagdag pa niya na ang naturang isyu ay dapat na dinala muna sa Committee on Rules bago pa man ito napunta sa kasalukuyang komite.
Samantala, iginiit naman ni Caraps Paduano, chairman ng committee, na ang hearing ay may layunin: ang amyendahan ang Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act). Ipinaliwanag niya: “Uh the very essence and the very heart on filing this resolution was based on the legislative intent on amending Republic Act 3019.”
Binigyang-diin din niya ang kapangyarihan ng komite na mag-monitor, mag-imbestiga, at mag-subpoena: “The power that was given to us by this Congress is to monitor and to conduct hearings and investigations… and subpoena witnesses and documents.”
Paglilinaw at Mga Pahayag mula kay Cong. Acop
Nagbigay din ng pananaw si Cong. Romeo Acop, na binigyang-liwanag ang pagkakaiba ng legislative inquiries at judicial proceedings. Ayon sa kanya, layunin ng mga inquiry na mangalap ng impormasyon para makabuo ng mas epektibong batas.
Dagdag niya: “…even if an inquiry does not result in potential legislation, there is still a need for the legislative body to gather information and data to guide legislators.”
Pahayag ni Cong. Kit Flores
Naniniwala siya na dapat humantong sa paggawa ng batas ang imbestigasyon, kaya’t sinasang-ayunan niya ang layunin ng kasalukuyang imbestigasyon para magbunga ng posibleng batas.
Sumasang-ayon siya kay Marcoleta na dapat may layuning pambatasan ang isang imbestigasyon, ngunit binanggit din niya na ang usapin ay dapat diniretso sa Committee on Rules.
Nilinaw ni Flores na ang kasong binanggit ni Marcoleta ay hindi nangangailangan na may umiiral o ipinanukalang batas bago magsagawa ng imbestigasyon.
Sana ay Mawasto ang Ginagawa ng mga Mambabatas
Ang mainit na diskusyong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng accountability at transparency sa pamahalaan. Habang nagbabanggaan ang opinyon ng mga mambabatas, malinaw ang layunin: ang magbigay ng katarungan at tiyaking maayos ang pamamahala ng pampublikong pondo. —by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?