Isang 18-anyos na binata, inaresto kahit walang maling ginagawa, hinuli dahil umano’y nakunan ng video ang kapatid ni Kapitan na gumagamit ng shabu.
Kitang kita sa video ang kapatid ni Barangay Chairman Guidefredo Agaran na si Gadelado Agaran mula sa Barangay Maugat East, Padre Garcia, Batangas. Sa video makikita na ang 18-anyos na binata ay gumagamit ng shabu.
Ang video ay galing sa kapwa 18-anyos na binata na si Emman Cabales.
Ayon sa pamilya ng biktima ay dahil dito’y ilegal siyang inaresto ni Barangay Chairman at ng anak nitong pulis na si Police Staff Sargeant Alfredo Agaran.
Sumbong ng pamilya ng biktima na sapilitang dinampot si Emman na walang dalang warrant of arrest. Malinaw na nakuha sa video kung paano pinagtabuyan at pinagmumura ni chairman ang pamilya nito. Kitang kita rin sa naturng video na hawak ng anak na pulis ang cellphone ni Emman.
Ayon kay P/CPL Erman Tiquio mula sa Padre Garcia Police Station, walang dumating na cellphone sa kanilang tanggapan nang dalhin si Emman. Ang biktima ngayon ay respondent na imbis na suspect sapagkat nai-file na ang kaso sa pulisya.
Itinanggi ng barangay chairman na nasa kanila ang cellphone ngunit inamin sa media na siya mismo ay nagpapatakbo ng jueteng sa mismong barangay nila, na ikinagulat ng reporter na nag-iinterbyu sa kanya.
Ayon sa DILG, idedemanda ang barangay chairman at ang anak na pulis sa pagkuha sa bata ng walang warrant of arrest at pananagutin ang kapitan sa pagsusugal sa barangay.