Kalokohan ng oposisyon!
Pahayag ito ng Palasyo sa palaging pagpapauso ng mga taga-opisyson sa hashtag na nasaan ang pangulo #NasaanAngPangulo tuwing may kalamidad sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat nang itigil ng oposisyon ang kalokohang ito at hindi na dapat na hanapin pa si Pangulong Duterte.
Katunayan, sinabi ni Roque na palaging iniisip ng Pangulo ang kapakanan ng taong bayan
Kung ikukumpara aniya, hindi hamak na mas maliit ang bilang ng mga nasawi sa mga nagdaang bagyo dahil sa preparasyon ng gobyerno kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Hindi na aniya kailangan na mag preside ni Pangulong Duterte sa meeting sa National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil gumagana at maayos naman na nakatutugon ang mga gabinete at ibat ibang departamento.