Malaking isyu ang tinatalakay sa video na ito ng mga mambabatas sa Kongreso: Ang Chinese chairman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ang mga implikasyon nito sa kaligtasan ng ating bansa. Isinalang sa mga pagdinig ang mga mahahalagang tanong tungkol sa kontrol at impluwensya ng dayuhan sa ating pambansang enerhiya.
Chinese Chairman ng NGCP: May Problema Ba?
Ayon sa transcript ng pagdinig, “the chairman is Mr. Zu Guang Xiao.” May mga mambabatas na naniniwalang ang pagiging chairman ng isang Chinese national ay paglabag sa Konstitusyon.
Ngunit para kay Cong. Rufus Rodriguez, hindi labag sa batas na maging chairman ang isang Chinese.
Ipinaliwanag din ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ang papel ng chairman ay dapat limitado lamang sa pagiging presiding officer sa mga pulong ng board.
Ayon sa kanila, “An alien National may assume the post of chairman of the board whose act shall be limited to that of a presiding officer during board meeting.”
Switchboard?
Nagpahayag siya ng matinding pag-aalala sa usapin ng seguridad ng bansa, tinatanong kung, “is there a switchboard that is held by the chairman Chinese in Beijing” at kung “the Chinese can close any of the three control points of the NGCP”.
Ang mga tanong na ito ay nagpapakita ng kanyang pagdududa at malabong mangyari na kayang kontrolin ng China ang supply ng enerhiya ng Pilipinas.
OK lang si Chinese Chairman?
Sa huli, ipinakita ni Rodriguez na sumusunod ang NGCP sa mga alituntunin ng Konstitusyon. Sinabi niya, “it has complied with all of the requirements of the franchise it has complied with the Constitution”.
Sa kanyang pahayag na, “So Mr. chairman, in this committee, what are we talking about?”, ipinapakita na naniniwala siyang natugunan ang mga alalahanin at walang paglabag ang NGCP.
Ang mahalagang takeaway mula sa usapin ay ang pagtanggap na ang dayuhang chairman ay maaaring manatili sa posisyon basta’t hindi ito gumaganap ng mga tungkuling executive o managerial.
Gayundin, nilinaw na walang switchboard sa Beijing na maaaring kontrolin ang grid ng enerhiya ng Pilipinas, at ang mga dayuhang minority owners ay walang kakayahang basta na lamang patigilin ang supply ng kuryente.
Sa kabila ng positibong pagtanggap ni Cong. Rufus Rodriguez, mariing iimbestigahan pa rin ng komite ang ganitong pangyayari sa NGCP. Ikaw? Ano sa palagay mo?
—by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?