Sa salaysay ni Cong Jinky Luistro, isang AI-generated na larawan ni dartting Pangulong Duterte at Leila de Lima na naghahalikan ang kumalat online, nagdulot ng pagkalito kahit pa malalayong komunidad.
Inilarawan ng mga eksperto ang hamon sa pagpapatupad ng batas laban sa disinformation, lalo’t limitado ang hurisdiksyon sa mga social media platform na nasa ibang bansa.
Ayon sa DICT, “we do not regulate social media platforms… nor [have] oversight powers over them,” habang binigyang-diin ng NBI at DOJ ang prinsipyo ng “different jurisdiction” dahil nasa ibang bansa ang mga server.
Iminungkahi ng DOJ ang “duality of crimes” at “continuing crime” para mapapanagot ang mga nagkakalat ng peke, kasama na ang mga platform kung patuloy na nakikita ang post sa Pilipinas.
MORE: Abogadong Vlogger nilampaso ni Marcoleta “Hindi ka karapat-dapat na abogado!”
Naglabas ng show cause order ang Kamara sa 40 social media personality na tumangging dumalo sa pagdinig, kabilang si dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hinaharap ng posibleng disbarment.
Giit ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers, “Wala hong curtailment ng freedom of speech… kailangan ng disiplina at code of conduct.”
Samantala, hiniling ng mga eksperto ang legal position paper mula sa DOJ at pagpapalakas ng digital literacy para labanan ang disinformation.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?