Pumasok sa kontrobersiya ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nang magsimula ang imbestigasyon sa Kamara tungkol sa mga posibleng paglabag nito sa prangkisa at epekto nito sa publiko.
Tinututok ng mga mambabatas ang mga kahina-hinalang transaksyon at hakbang ng NGCP upang mapanatili ang kontrol sa operasyon ng enerhiya.
“The intent of the law was not achieved… They went through extra measures to make sure that our public cannot participate, cannot benefit, and all of this was handed to them on a silver platter,” sinabi ni Cong. Rodge Gutierrez.
Inisa-isa niya ang mga hakbang ng NGCP upang iwasan ang benepisyo ng publiko mula sa kanilang serbisyo, kaya’t umabot ang isyu sa seryosong imbestigasyon.
MORE: Franz Pumaren nabastusan sa mga Chinese NGCP stockholders sa hindi pagsipot sa House hearing
Dispersal of Ownership at Papel ng SGP
Tinutukan ang pagpapalaganap ng pagmamay-ari ng NGCP, na naging sentro ng mga transaksyon ng SGP. Tinalakay din ang papel ni Atty Sagayo sa mga paglipat ng pag-aari at ang hindi pagkakasunduan ukol sa paggamit ng share swap agreement bilang kapalit ng IPO.
Ayon kay Sagayo , “In 2021 po when it became a… SGP had the need of NGCP… to comply with the dispersal ownership requirement.”
Tumutol din si Gutierrez sa hakbang na ito at tinukoy ang mga isyu ukol sa transparency ng proseso.
Paglabag at Kontrol sa NGCP
Pinagtuunan din ng pansin ang istruktura ng pagmamay-ari at epekto nito sa kontrol ng NGCP. Tinutukan ang presensya ng isang Chinese director at epekto ng preferred shares sa pampublikong pagmamay-ari.
“It seems to be a lot of corporate gymnastics to maintain control for the select few,” sinabi ni Gutierrez, na nagduda sa pagsunod ng NGCP sa layunin ng batas ukol sa dispersal of ownership.
Ibinunyag ni Atty. Sagayo na ang pampublikong pagmamay-ari ng NGCP ay nasa 10.12%, ngunit sinabi ni Gutierrez na hindi ito sapat upang magsilbi sa kapakanan ng nakararami.
Patuloy ang imbestigasyon upang tuklasin ang mga posibleng paglabag sa batas at tiyakin ang pagsunod ng NGCP sa mga regulasyon na nagsisiguro sa proteksyon ng interes ng publiko sa sektor ng enerhiya ng bansa.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?