Nag-ugat ang kontrobersya sa Senate Bill 1979, o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill, nang bawiin ng pitong senador ang kanilang suporta dahil sa mga probisyong itinuturing nilang “objectionable.”
Isa sa mga isyung tinalakay ay ang Comprehensive Sexuality Education (CSE), na iniugnay sa “woke” ideologies at mga araling sinasabing hindi akma sa kulturang Pilipino.
Tumindi ang oposisyon nang maglabas ng pahayag ang Pangulo at iba pang mambabatas.
Ipinagtanggol ni Senadora Risa Hontiveros ang panukala at sinabing walang probisyon dito tungkol sa masturbation o pagsubok ng iba’t ibang sexualities. “It is clear that the bill does not even contain the word ‘masturbation.’ It also does not include ‘try different sexualities,’” ani Hontiveros.
“Wala naman ang mga ito sa bill. At kailanman ay hindi ito makakapasok sa anumang panukala na aking sinusulong,” dagdag niya.
Mga Reaksyon ng Pangulo at mga Senador
Pinasaringan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala at sinabing, “I was appalled by some of the elements of that, because this is all this ‘woke’ that they are trying to bring into our system.”
Ganito rin ang saloobin ni Senador Bong Go, na nagsabi, “Hindi ako sang-ayon sa anumang panukala na makakasira sa halaga ng pamilya at salungat sa pananampalataya ng ating mga kababayan.”
Samantala, ipinaliwanag ni Senador Jinggoy Estrada ang kanyang pagtutol. “What the last straw was, yung nakalagay na based on international standards…ano itong mga international standards? Nag-research sa WHO saka UNESCO na pwedeng turuan yung mga bata na mag masturbate…0 to 4 years old and that is against our Filipino culture,” ani Estrada.

Mga Pagbabago at Susunod na Hakbang
Inanunsyo ni Hontiveros ang paghahain ng substitute bill upang tugunan ang mga alalahanin ng iba’t ibang sektor. Iginiit niyang mahalaga ang CSE para sa mga kabataan, magulang, at guro upang mabawasan ang maagang pagbubuntis.
Ayon kay Senador Marcos, ang teenage pregnancy ay hindi lamang isyung moral kundi ekonomikal din. “One in ten girls are pregnant or are already mothers. Sobrang laki nun,” aniya.
Patuloy ang diskusyon sa Senado upang makahanap ng balanseng solusyon. Hinihintay ang mga susunod na hakbang na makaaapekto sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.
Magiging salamin kaya ang kultura ng bansa sa magiging resulta ng panukalang batas na ito?
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?