Full Video Transcript: Sa corruption, sinasabi ko naman sa inyo na galit ako talaga and I will not only investigate you. I will expose you to the public para malaman ng tao na niloko ninyo iyong gobyerno.
Dito sa Bureau of Immigration, may nadagdag ngayon, sa iyo man ito sir, under… The Bureau of Immigration is under the Secretary of Justice. It’s an agency that is attached.
Ang bagong — is Perry Michael Pancho, Marcos Nicodemus, Darren Ilagan. Preventively suspended last month by the DOJ pending investigation of formal charges against them for grave misconduct, neglect of duty or conduct prejudicial to the best interest in the service in connection with the falsification of travel record of a former Wirecard Executive.
So ayan. Ang iba naman, itong si Neil Tristan Estomo, Mikara Kaye Cortez, Christopher Lee — totoo ba ito? Christopher? ‘Di ba ito si Dracula? Christopher Lee, Rolan Lim — no it’s just a joke pero totoo. There’s such a person known as Christopher Lee.
Itong si Estomo, Cortez, Lee, Lim preventively suspended last month by the DOJ pending investigation of formal charges against them for grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, and/or conduct prejudicial to the best interest of the service in connection with the “pastillas” scheme.
Wala na ito. Then may bago tayo sa Department of Public Works and Highways. Ang na-harvest natin na mga — supposedly it’s not good to call them criminals. But eventually if they are charged and convicted, they would be.
Wilfredo Agustino, Rudy Canastillo, Edward Canastillo, Cecil Caligan dismissed by the Ombudsman, September 21, 2016 for grave misconduct.
Lea V. Negre, dismissed by the Ombudsman on 20 October 2016 for misconduct in relation to the acquisition of excessively priced lamp posts. Marami ito, itong pumasok doon sa China. Iyong pagbukas ng China at ang ekonomiya ng Pilipinas there were a lot of importations. A lot of those were really the posts na may ilaw na but they were priced heavily by the, not of course not by the China. They manufacture lang naman.
Iyong mga ahente dito tapos in connivance with the government people, ayan nag-presyo. Eh basahin ko ito. Ito mga na-dismiss ‘to by the Ombudsman for the following violations: Violation of Article 210 or Direct Bribery and Article 211 or Indirect Bribery of the Revised Penal Code. You can pronounce it bribery or…
Violation of Section 3 (e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Violation of Section 7 (d) of the Code of Conduct and Ethical Standards and the Government Procurement — pera na naman ito — Reform Act.
Ito sila si [Leonardo] Paulican, Elmer Calo, Pedro Mercado, Agathon — Agathonico Galarrita; Doroteo A. Laguna; Harold Caermare.
Mayroon pa, abutin tayo ng umaga nito. Ubos na ang mga empleyado. You know, kayong mga — do not ever think that you are indispensable in the scheme of things sa gobyerno.
Maraming Pilipino diyan na mga graduate na mahuhusay na may — honest. Marami ‘yang walang trabaho ngayon. Kaya kayong taga-gobyerno may trabaho, take care of your position. Do not allow even a dent of anomaly na dumaan sa opisina mo.
Kasi sabi ako strikto na ako ngayon until my — at the end of my term. ‘Pag makita ko may ano ka, sisirain mo lang. So maraming Pilipinong naghihintay, mga Civil Service eligible na mga graduates. Marami akong pampalit sa inyo.
Do not ever think that you would count in the — in the large context of governance. So dismissed ito sila. Kita mo sa karami magastos ang laway. Ganun eh. O minsan dito sa Coke ko i-ganun ko na lang, [laughter] ako naman ang uminom ng Coke ko.
Employees dismissed — DPWH. DPWH: Rolando Asis, Edilberto Tayao, Berna Coca, Luzminda — Luzvisminda Narciso, Danilo Peroy dismissed by the Ombudsman for misconduct. There executed — they executed bidding documents after award. May bidding after the award na — imbis bidding award, may award bidding — and implementing of the Rehabilitation of Paglaum Sports Complex in Bacolod. Linte nga — te ga anay nga ano gakalatabo sa inyo?
Dismissed by the Ombudsman: Rey Alcantara of the Local Water Utilities Administration. Dishonesty, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service.
Then may isa pa tayong bright boy, Elmer Redrico, dismissed by the Ombudsman on April 6, 2018 for grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service. He engaged in fraudulent and irregular bidding causing undue in the award and the subsequent implementation of the project.
By the way, by the way, do not ever think that the — itong ano kasi dalawa, administrative pati criminal. Iyon minsan sa administrative sa opisina lang. It’s — it’s the secretary — ‘yung head na mismo, and they can dismiss you.
The other opisina na mayayari ka, ang Ombudsman. So dalawa ‘yan. Pero itong mga dishonesty, grave misconduct, conduct unbecoming of a public official, ito administrative lang ‘to. Sa opisina ninyo matanggal ka sa trabaho, suspendido ka. But itong dalawa hindi mag — hindi ito mag — it will not stop here.
The Ombudsman will file — kagaya nito, he engaged in fraudulent and irregular bidding causing undue delay in the award and the subsequent implementation. Anak…
Elmer Redrico, the government will file criminal charges against you. Dalawa talaga ang tama ninyo dito. Criminal pati alis kayo sa opisina ninyo.
Mayroon dito si Noel Pineda, Edward Del Rosario Sevilla, Alberto Cainghog – ganoon dismissed by the Ombudsman. Gross misconduct and conduct prejudicial to the service.
DPWH pa rin tayo. Eufronia Cabaysa, Helen Asinas, Wilson Tagbo. Ito medyo tingin siguro ng Ombudsman hindi mabigat. But you know, you are suspended by the Ombudsman for one year without pay for misconduct but without prejudice of filing a case against you.
Si Rex Oyaoy – suspended for six months without pay for misconduct and insubordination. Well, ang tingin ng Ombudsman — dito nakalagay — granting a request for a modification. Nabigyan siya. Maybe because of the merit of the case also.
Enrico Guilas – suspended by the Ombudsman for two months and one day.
Roberto Canezal – suspended for one month.
Philip Menez – suspended by the Ombudsman.
Edna Menez – pareho ang middle name ninyo. Magkapatid kayo. Philip at Edna, F kayo, Nenez — Menez rather. Huwag ninyong sobrahan ang drama ninyo. Kung gusto ninyo magkapera, umalis na lang kayo sa gobyerno. Negosyo. Mag-negosyo kayo sa labas.
Sanny Boy Oropel – suspended by the Ombudsman for one month. Next time I will see to it that you will be dismissed from the service.
Arnaldo Bonifacio – suspended by the — I don’t know, by the office siguro.
Next time… Because sa administrative puwede kang mag-appeal-appeal-appeal ka sa opisina ko. Pero pagdating sa lamesa ko ‘yan, since you are known to be a malikot, malikot ang bulsa ninyo, you were suspended only.
Next time, Arnaldo Bonifacio, I will dismiss you from the service. Lahat ‘yung suspended, next time na magkaroon kayo maski simple or neglect — simple neglect of duty or whatever, if it falls as a ground for dismissal, papaalisin ko na kayo.
Virgilio Eduarte – note dito, “PRRD appointee.” He was suspended by the Ombudsman. Next time magkamali ka, I will personally see to it that you are out.
Umalis kayo diyan sa ano. Mali — alingasngas ‘yan diyan sa DPWH. Maraming magbabantay.
Serafin Lago – ganoon rin, next time dismissal ka na. Suspended ka lang ngayon.
Roberto Atienza – ganoon lang, suspended. Next time I’ll dismiss you.
Joselito Altiveros – suspended ka lang by the DPWH for six months, misconduct. Next time.
Sabi ko — sabi ko nga maraming Pilipino naghahanap ng trabaho. Every year we are producing so many thousands of graduates. Wala ngang mapasukan, walang trabaho. Now kung gusto ninyo bakantehin ‘yang mga position sa opisina ninyo, gumawa kayo ng kalokohan.
And may isa pa, I think this will be… Kayo ba, either as a businessman or as a government employee lang, if you come to know of a conspiracy or may usapan to do an illegal act, sundan mo lang. Let it ripen into a crime. ‘Pag natapos na ang papeles, hindi na kailangan magbayad ang gobyerno. The contract itself will be the evidence.
Sa ku — sa ano hindi na kailangan eh. The fact that you have the intention to draft a contract that is prejudicial to government will be enough to send you to the gallows.
Ngayon, ang usapan ko na lang — pakiusapan ko na lang ‘yung lahat. Kayong walang mga trabaho, kayong mga casual ilang taon na, all you have to do is to let me know and may prize ako. Pagka mayroon kang malaki, if it’s a malaking sindikato, ghost project ni director p***** i**, I will — I will give you 50,000. Ibulong mo lang, maski sino.
Iyong kaibigan mo — huwag ka nang magbigay ng pangalan. Sabihin mo lang ‘yung kontrata. Dito, ganito, ganito. Sino sa gobyerno, si — maybe Secretary Roque or Sonny Dominguez.
‘Pag malaking mga contract, huwag mo nang sabihin pangalan mo. Ibulong mo lang na niluluto ‘yan, I’ll give you 100,000 and I will keep your identity secret until I reach my grave. Hindi ko kayo bubukuhin, hindi ko kayo ipapasubo.
At kung nalaman kayo tapos hina-harass kayo, paalamin mo ako. I will deal with the devil. Iyan ang gusto ko, bumaril ng tao na legal. Kaya kung inaano ka, tinatakot ka, paalamin mo ako. I’d be happy to — I would be happy to make you happy. Okay?
So diyan tayo magtapos, mga kababayan ko. Take note of my — ‘yung ano ko 50,000 – 100,000 ‘yung malaki. Ibulong mo lang. Huwag kang magbigay ng pangalan. ‘Pag na ano namin na totoo, bantayan lang namin then I will allow it to ripen to a crime. Pagkatapos, kami na ang bibira.
Then pagdating ng panahon balikan mo si — doon ka kay Secretary Tugade. Sabihin mo, “Secretary, ako ‘di ba ako ‘yung nag-report?” O si Secretary Tugade, “Yes, I remember you.” Tama na. Bayad ako.
Mga kababayan ko, maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat.