VIDEO TRANSCRIPT: Nagpapasalamat po kami sa taumbayan dahil sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, binigyan po ng 91% trust rating si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at 91% din po sa performance rating ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Pagdating po sa trust rating, pangalawa po si Senate President Vicente Sotto, 79%; tapos po, pumangatlo po si House Speaker Alan Cayetano at 67%. Ang ating VP Leni po ay nasa malayong pang-apat, 50%.
Pagdating po sa performance, pumapangalawa po ang ating Senate President, 84%; si Speaker Cayetano po, 70%; at ang ating VP Leni, 57%.
Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinabi – ayaw yata ng Pilipino ang namumulitika sa panahon ng pandemya. Subukan po nating itigil ang pulitika baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mas mataas pa po sa 57% ang performance rating. So maraming salamat taumbayan, 91% ang binigay sa ating Presidente sa trust at saka sa performance approval rating.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Ang unang tanong po ay mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune. Ito po iyong tanong niya, iyong kanina rin nabanggit ninyo na: May we get Palace reaction on the September survey of Pulse Asia showing that 9 in every 10 respondents or 91% of respondents trusts President Duterte. According to the survey, trust is the predominant sentiment toward the President.
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po – maraming, maraming salamat po sa taumbayang Pilipino na ang trust at ang performance rating po ng ating Presidente ay napakataas at 91%. Pangako po talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon po tayo sa pandemyang ito at isasantabi po talaga niya ang pulitika.
Lahat po ng Pilipino supporter niya, kalaban niya iaahon po niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemya. Ang panawagan po uli ng Presidente sa lahat ng pulitiko isantabi muna natin iyan, 2022 pa po iyan, tulungan natin ang ating kababayan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Secretary Roque, good afternoon po. Follow up lang doon sa Pulse Asia survey result. Where do we attribute this 91% trust and performance rating of President Duterte?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga eh, tingin ko gusto ng taumbayan na hindi namumulitika sa panahon ng pandemya. Nakikita naman nila na ginagawa ng Presidente ang lahat ng pupuwedeng gawin para mas kakaunting mga Pilipino magkakasakit ng COVIDI-19.
Ginagawa niya ang lahat para iahon sa kahirapan ang ating mga kababayan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan, mahigit 200 billion ang pinamigay natin bilang ayuda sa mga nawalan ng trabaho habang tayo’y nagla-lockdown.
At siyempre patuloy pa rin po ang pagbibigay natin ng tulong sa ating mga sa pamamagitan ng iba-ibang programa, pamimigay ng ayuda at ng tulong galing po sa DSWD, sa DOLE at pati po sa Department of Finance.
At tingin ko, naniniwala ang taumbayan natin na talagang ‘pag nagsalita ang Presidente na hindi ngayon panahon ng pulitika, panahon para magkaisa, panahon para magbayanihan at pinapakita naman po niya na totoo siya dito sa mga pangakong ito.
JOYCE BALANCIO/DZMM: All right. On a different topic, Secretary Roque. Si VP Leni Robredo over the weekend again urged DepEd to consider face-to-face classes where there are no community transmissions po.
She said her office received different concerns from teachers about online classes, iyong iba po namamahalan sa gastos, iyong iba po nabibigatan po sa workload. Is this something that is still being considered by IATF or President Duterte given nga po today is the opening of classes and there are reports na marami pong nahirapan sa blended learning?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, kung nagbabasa lang si VP Leni ng balita, talagang kasama po iyan sa plano na puwedeng magkaroon ng face-to-face sometime in January doon sa mga areas na madideklarang new normal.
At papunta na po tayo doon sa punto na magkakaroon na ng deklarasyon ng mga new normal sa mga lugar na walang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang buwan.
So matagal na po iyang nakaplano at iyon pong sinasabi ko, sana review-hin lang ni Vice President kung ano na iyong mga naiplano na ng gobyerno nang sa ganoon hindi na kailangan ulitin.
Kasi nga iyan po sinasabi ko ‘no, wala pa po kaming naririnig na bagong suhestiyon galing kay VP Robredo. Siguro po may kinalaman din ito sa kaniyang 50% trust approval and performance levels.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kaya lang ito follow up ulit doon sa tanong about sa Pulse Asia. From Julie Aurelio, iyon daw reaction ng Palace sa Pulse Asia survey and ang tanong niya dito in contrast daw po kasi 91% ang Filipinos approve of President Duterte’s performance in contrast—ito in the middle of pandemic, in contrast daw po kay Vice President Leni Robredo had a 57% approval rating.
SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, siguro patunay lang itong performance level at trust level ni Presidente doon sa katotohanan na ayaw ng mga Pilipinong namumulitika sa panahon po ng aberya gaya ng pandemya. Tigil na po ang pulitika muna.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon po sa isyu ng beep card. A lot of people expressed their sentiments on the negative, na parang pakiramdam po nila mas pinahihirapan ang tao sa panahon ng pandemya.
They are wondering kung may kumita raw po ba dito? Is the Palace or the government keen on ordering an investigation or at least a review of the contract with the supplier of these cards?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko po ang naging damdamin ni Presidente ay tutol din siya diyan sa binabayaran na beep card at marahil po isa ito sa dahilan kung bakit sinuspinde muna iyong paniningil para sa beep card.
So, nahabag po talaga ang Presidente doon sa isang balita na maraming mga naghihirap nating mga kababayan ang nagulat at dahil ang pera nila ay sapat lamang sa pamasahe at sa pagkain para sa araw na iyon.
So, nakinig naman po ang ating administrasyon at pansamantalang pinatigil muna iyong koleksiyon ng charges sa paggamit ng beep card.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, follow up lang po tungkol doon sa beep card. There are also proposals that maybe government can pay for the beep card especially for those who are indigents and poorest of the poor. Is it what the government is considering right now?
SEC. ROQUE: Well, pinag-aaralan naman po iyan ng DOTr. At tingin ko, iyong pagsu-suspend ng bayad para sa beep card ay kabahagi ng magiging pinal na aksiyon ng ating DOTr.
So ngayon naman po, suspendido na iyong pangungolekta ng bayad sa beep card, tingin ko sapat na muna iyan para ma-address iyong immediate issue na karagdagang pahirap iyan sa ating mga naghihirap nang mga kababayan sa gitna ng pandemic.
At tingin ko naman, nakikita naman sa polisiya na pinatutupad ng gobyerno, nakikinig ang gobyerno sa taumbayan. At hindi po natin madi-deny, may puso naman po itong administrasyon na ito.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, going to Boracay. Narinig natin na they’re more comfortable—
hindi, for the tourists ‘no most cost-effective iyong antigen. Your response as an IATF Spokesperson, are you guys willing to pilot iyong antigen sa Boracay; and also there was a proposal I think sa Baguio ano?
SEC. ROQUE: Actually po sa huling pagpupulong ng IATF, I also suggested na i-pilot na rin sa Boracay ang antigen. Pero ang naging desisyon po, tapusin na muna iyong pilot sa Baguio, at kung maging tagumpay iyan, ia-apply naman po iyan sa ibang mga tourist destinations kagaya ng Boracay.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last na lang. Sir, some are saying na parang medyo confusing iyong message that the government is saying na parang mayroon tayong on the one hand na stay home na campaign for people and then, here you are in Boracay, na parang papaano ninyo iri-reconcile iyon? And second, sir, matanong ko lang: Sir, alam ba ito ni Secretary Berna Puyat na you’re there and you’re kind of doing her job?
SEC. ROQUE: In isolation po si Secretary Berna. Kung hindi po siya nag-isolation, ang plano po niya ay talagang nandito siya ng October 1. So noong hindi nga po nakarating si Secretary Berna dahil she’s in isolation, minabuti naman po namin na kabahagi ng mensahe ng Presidente na buksan ang ekonomiya, lalung-lalo na ang turismo, na magpunta rito at engganyuhin nga ang ating mga kababayan na bumisita muli dito sa Boracay.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong ano lang, iyong confusing na messaging na parang stay home and then we have travel.
SEC. ROQUE: Ay, hindi na po, ang talagang messaging po natin ngayon doon sa advertisement na prinoduce [produced] po ng Office of the Press Secretary at suportado po ng IATF, ng DOH at ng Department of Finance: ‘Ingat-buhay para sa hanapbuhay.’ Iyan na po ang ating mensahe at iyan din po iyong thrust ng second National Action Plan ng National Task Force on COVID-19.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, sir. Thank you for your time and keep safe, sir.
Ano sa palagay mo?