Hindi ito personal na galit kaya sinumite ang House Resolution 853. Ang personal sa akin ay ang maging tama ang pagbabalita ng media dahil very powerful ang media.
Ika nga nila, with great powers come great responsibility. Trabaho ng media na maglahad ng facts at kunin ang lahat ng panig. Hindi ako pro or against ABS-CBN, pero ako ay tumatayo ngayon para sa tamang pagbabalita.
Bakit naging personal sa akin ito? Ang sinabi ko sa ANC kaya personal ito, hindi yung kay Paolo Duterte. Yun ay halimbawa. Ang personal sa akin ay yung masisira mo ang buhay ng isang tao na ire-report mo ang mali at hindi tama pagkatapos hindi mo na babawiin yun.
Yun ang personal sa akin kaya ako nag-file ng House Resolution 853 dahil gusto kong matuldukan ang maling practice ng ilang kasamahan natin sa media na basta-basta magre-report ng hindi totoo, allegations, at hindi na itatama.
So matagal ko nang kilala ang tao, doon ko lang nakita na ang tao pala, kahit gaano ka kabait, basta mabasa ka lang sa news na ganito, kahit hindi totoo, maniniwala ang ibang tao.
Bakit ba ang headline, parating dapat nating isipin kung ano yung medyo may malisya, kung ano yung mapapalingon ang tao kapag binasa? Bakit ba dapat kontrobersyal ang headline? Bakit ba hindi tayo magbalita ng maganda at tama?
Sa bawat maling pagbabalita, buhay ng tao ang nasisira, hindi lang ng iisang tao kundi ng mga mahal nila sa buhay, ng mga taong naniniwala sa kanila, at ng mga kaibigan nila. Panahon na upang itama natin ang pagbabalita.