Isang documentary movie ang Memoirs of a Teenage Rebel.
Tampok dito si Ivy Lyn Corpin, dating miyembro ng New People’s Army pero iniwan ang kilusan para magbagong buhay.
Ikinuwento ni Ivy sa documentary movie ang recruitment sa kanya bilang NPA hanggang maging mataas na opisyal siya.
Nagbago ang takbo ng buhay, ang paniniwala, at prinsipyo ni Ivy nang i-recruit niya para sa NPA ang estudyanteng si Ira dahil sa kanilang mga karanasan habang naninirahan sa bundok.
Hindi para sa mahihina ang puso ang mga eksena sa Memoirs of a Teenage Rebel.
Bukod kay Ivy, nagkuwento rin ng heartbreaking experiences si Lady Miranda. Ex-member din siya ng NPA at dumanas ng mga pagsubok na parang sa pelikula lamang mangyayari pero naganap sa tunay na buhay.
Mahirap makalimutan ang panaghoy ni Lady habang ikinukuwento nito ang paulit-ulit na kalupitan na natikman niya.
Si Miguel dela Cruz ang direktor ng Memoirs of a Teenage Rebel, at si Robin Padilla ang producer ng pelikula.
Ano sa palagay mo?