Sumiklab ang diskusyon sa kongreso matapos kuwestiyunin ang prayoridad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagkuha ng empleyado at ang hindi pagdalo ng ilang Chinese directors sa pagdinig. Lumitaw ang usapin tungkol sa nasyonalismo at interes ng bansa.
Pinuna ni Deputy Majority Leader Franz Pumaren ang umano’y pagpili ng NGCP sa mga Chinese nationals para sa matataas na posisyon. Inusisa niya ang nationality ng assistant CTO at natuklasan na ito ay isang Filipino citizen, si Engineer Cesar Sanchez, na pumanaw kamakailan.
Nilinaw ng NGCP na hindi nila intensiyong kumuha ng Chinese nationals bilang CTO. Pinangasiwaan ni Engineer Rico Vega, isang Filipino, ang posisyon bilang kasalukuyang CTO ng NGCP.
“Mr. Chairman, I notice it, talagang their main priority to hire the city or correct me if I’m wrong is a Chinese National,” sinabi ni Deputy Majority Leader Franz Pumaren.
🔗 Naalarma si Jinky Luistro sa NARI technology ng NGCP ay galing Nanjing China!
“There is no inclination on our part to specifically hire Chinese as our CTO,” sagot ng NGCP.
Tumanggi Dumalo ang Chinese Directors sa Pagdinig
Nagpahayag si Franz Pumaren ng pagkadismaya sa hindi pagdalo ng mga Chinese directors sa pagdinig. Ipinaliwanag ng NGCP na sumabay ito sa kanilang taunang pagpupulong at pagdiriwang ng Chinese New Year.
Tinawag ni Pumaren ang dahilan na “very shallow reason” at iginiit ang kahalagahan ng pagiging makabayan at ang obligasyon ng mga opisyal na dumalo sa mahahalagang usapin ng bansa.
“That’s why they are not here because yesterday is their annual meeting. If they found this meeting very important dapat lumipad sila ngayon. Second ang reason is Chinese New Year, thats very shallow reason… a festival. Tayo ba may work dito we cannot attend kase birthday mo? That’s the main concern.”
“If you’re really patriotic, you should have explained that to the Chinese people that they should be here. Pambabastos yung ginawa ninyo sa’min! ” dagdag niya.
Tiniyak ni Attorney Paul na ipaaabot ang mga alalahanin sa mga Chinese directors at iimbitahan sila sa susunod na pagdinig. Binigyang-diin niya na binubuo ng mga Filipino citizens ang NGCP at seryoso silang tumatalima sa kanilang tungkulin bilang Pilipino.
“Simply because we have Chinese partners does not make us less patriotic than the others,” sinabi niya, na nagpapatunay sa pangakong ipagtanggol ang interes ng Pilipinas.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?