Nanawagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos na tiyakin ang patas na labanan sa darating na 2025 elections.
“Kung marinig niya ako, bigyan nila tayo ng sabi ko nga a fair share na patas lang ang laban,” ani Duterte.
Dumalo naman si Marcos sa lider summit ng Partido Federal ng Pilipinas bilang huling malaking pagtitipon bago ang kampanya.
MORE: Kongresista inaangkin ang lupa ng mga magsasaka sa Nueva Ecija
Hinimok ni Duterte ang mga kandidato ng PDP Laban na huwag matakot sa politika. “Huwag kayong pumasok sa takutan,” aniya.
Ipinahayag din niya ang tiwala sa administrasyon ni Marcos. “The president is not really sabihin mo abusado. It would not be a fair comment. Hindi naman talaga masamang tao si Presidente Marcos,” dagdag niya.
Pinasiguro rin niya sa kanyang mga kaalyado na walang dapat ikatakot. “There’s no reason for us to be scared of oppression, kasi wala naman akong nakikita diyan,” wika niya.
Inanunsyo ng PDP Laban noong Setyembre 2024 ang kanilang senatorial lineup na kinabibilangan nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Sen. Bong Go, action star Philip Salvador, at singer-lawyer Jimmy Bondoc.
Inaasahan ng partido na magiging patas ang laban habang papalapit ang halalan.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?