Isang 59-anyos na Filipino-American ang hinihinalang panibagong biktima ng “hate crime” sa mga may lahing Asyano sa Amerika matapos siyang gulpihin at mawalan ng malay sa San Francisco, California.
Ayon kay Yunchang, walang nawala sa kanyang gamit, pagkain, cellphone at wallet. Malinaw sa kanya na siya ay biktima ng isang hate crime dahil sa pandemya na nararanasan ngayon sa Amerika at sa buong mundo.
Narito ang ilang pahayag ni Yunchang:
“Kung ako ang tatanungin, sa palagay ko hate-crime eh. Kasi walang nawala sa akin. Pati ‘yung mga binili kong pagkain, ‘yung wallet ko, ‘yung cellphone ko na nalaglag sa sahig, wala. Walang nawala.”
“Tinulak ako, eh, napasubsob ako. Nung pababa ako, sinuntok na ako, tuloy-tuloy na suntok. Nawalan ako ng malay, eh. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay.”
“I was shoved to the ground and lost consciousness. After a while, I woke up and saw there was a lot of blood on the sidewalk and on my clothes, I was hit a lot so my face is so swollen.”
“Emotional pain. Nakakapanghinayang, eh. Kasi dati ang San Francisco, napakatahimik na lugar. Then, biglang magkakaganito. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ang mga tao.”
“Before I felt at home here in San Francisco, but now not so much. Emotionally, it’s been a traumatic experience. I’m having a hard time sleeping and resting, and I still haven’t gone out to get my medicine because I’m so afraid.”
Hindi na raw maintidihan ni Yuchang ang sinasabi ng umatake sa kaniya dahil sa naramdamang sakit.
Nang magkamalay na, nandoon na ang mga pulis at nasa ambulansiya na siya.
Sa pahayag ng San Francisco Police Department, mayroon umanong saksi na nakakita sa nangyari kay Yuchang.
“A witness told officers that the suspect ran up to the victim and punched him in the head multiple times causing him to fall to the ground where he lay motionless,” ayon sa pahayag.
Tumakas ang salarin sakay ng minibus.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa pag-atake kay Yunchang na si George Davis Milton, na suspek din sa isa pang pag-atake.
Patuloy ang harassment!
Sa isa namang pangyayari, makikita rin sa isang post sa ibaba ang harrasment din na ginawa sa isang 69 year-old Asian woman.
UNPROVOKED ATTACK ON ELDERLY ASIAN WOMAN
— Betty Yu (@BettyKPIX) March 19, 2021
A 69-year-old woman was walking when a man assaulted and robbed her Thursday at 3:40 pm at Serravista near Norwood in Daly City, according to @DalyCityPD. Suspect ran away @KPIXtv @WilsonKPIX more at 5 pm #StopAAPIHate #StopAsianHate pic.twitter.com/XCK8TMLgMK