Magandang balita po! Kung maalala ninyo, iyong buwan ng Nobyembre, tinanong ni Presidente, kailan ba makakarating iyang bakunang iyan sa Pilipinas? Ang sabi sa kaniya, July. Well, ang sabi ni Presidente, hindi katanggap-tanggap iyan dahil kung ako’y naiinip na, eh siguradong naiinip na rin ang buong sambayanang Pilipino.
At ngayon po, mayroon tayong magandang balita ‘no: Sang-ayon po sa Department of Health ay magkakaroon na po tayo ng ating unang 25 million doses of COVID-19 vaccine from Sinovac, at darating na ang bakuna sa Pilipinas sa susunod na buwan.
‘Di ba sabi ko sa inyo, ilang tulog na lang. Well, ito po literally, sa susunod na buwan ay parating na po ang bakuna.
Well, huwag naman kayong masyadong mag-celebrate diyan dahil ang paunang darating po ay 50,000 doses lamang ng vaccine galing sa Sinovac, pero at least magsisimula na rin po tayo. Ito’y in addition doon sa 15,000 na clinical trial na gagawin dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, by February, at least 65,000 na ang mabibigyan ng bakuna.
Sa susunod na buwan po ng Marso, magkakaroon tayo ng 950,000 na additional doses ng nasabing Sinovac; at sa Abril, one million dose; sa Mayo, one million dose; sa June, two million – hanggang mabuo ang 25 million pagdating ng Disyembre.
Bakit ho ako tumigil doon sa June? Kasi pagdating po ng June, July, darating na rin po ang Pfizer, at ang July AstraZeneca. So bukas po doon sa ating timeline, makikita natin na pagdating ng June at July, biglang sisipa iyong dami ng mga bakuna na available sa ating bansa.
Pero mga kaibigan ha, dahil simula pa lang tayo eh huwag naman kayong magpabaya. Naku po, doon sa Quiapo, ang daming tao! Maya-maya po ay sasabihin ko kung ano ang pahayag ng ating Department of Health.
Pero samantala na tayo ay nag-aantay ng bakuna, kinakailangan po – anong sabi ng ating mahal na Presidente? – Mask, Hugas at Iwas.
Naku po, lahat ginawa ni Presidente para mapaaga iyong pagdating ng bakuna. Sabi niya, no way na July lang darating iyan. So ngayon, Pebrero. Talaga naman kapag ang Presidente ay nagsalita ay talagang heaven and earth ay imu-move natin para dumating ang bakuna sa sambayanang Pilipino.
Eh ano ba itong Sinovac na ito kasi ang mga kalaban ng gobyerno ay talagang walang tigil sa reklamo. Dati-rati, walang bakuna; ngayong nandito na ang bakuna, “Ay naku, hindi iyan ligtas.” Well, huwag po kayong makinig diyan sa mga walang matinong magawang mga kalaban ng gobyerno.
Alam ninyo po, kaya hindi dumaan sa clinical trial sa China mismo ang Sinovac at Sinopharm at Casino vac dahil po wala na silang halos kaso ng mga COVID. So nag-clinical trial sila abroad, doon sa mga maraming kaso. Eh pagdating po sa Sinovac na darating nitong Pebrero, ang sabi po ng Turkey, 91.25% efficacy rate. Okay? So ligtas at epektibo po ang Sinovac.
Dagdag pa po ng Turkey’s researchers, wala silang nakitang kahit anong major side effect; at tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine ang in-order ng Turkey. Sa ating mga kapitbayan dito sa ASEAN, dalawang milyong Sinovac vaccine naman ang kinuha ng Thailand at darating din ito sa kanila sa susunod na buwan ng Pebrero.
Samantala, ngayong buwan ay magsisimula na ang pagbabakuna sa Indonesia gamit din po ang Sinovac. Ito ay pangungunahan ni Indonesian President Joko Widodo sa Miyerkules, a-trese ng Enero. Nasa 125.5 million doses ang kinuha ng Indonesia mula sa Sinovac.
Base sa ginawang clinical trials sa Probinsiya ng West Java naman ‘no na isinagawa ng Sinovac kasama ang BioPharma ng Indonesia, nasa 91.25 effective ang nasabing bakuna – kapareho po ng resulta sa Turkey.
So mga kalaban ng gobyerno, well, manahimik na kayo. Paputok na naman iyan sa mga mukha ninyo. Kapag nag-survey na naman, kulelat na naman kayo, bokya na naman kayo, failure na naman kayo.
So anyway, itong mga clinical trials po na ginawa sa West Java at sa Turkey ay patunay na ligtas at mabisa ang Sinovac. Now, ito po ay bukod pa doon sa minimum na isang milyong mga Tsino na nabakunahan na ha. At by the time dumating po sa atin itong Sinovac, ang plano po ng mga Tsino ay mabakunahan na ang 50 million na mga Tsino bago dumating po ang Chinese New Year ng February 12.
So kapag binakunahan na ang unang tao ng Sinovac sa Pilipinas, 51 million na Chinese na po ang nabakunahan diyan. At napakadami na pong mga bansa ang nagpatunay na safe at epektibo po ang Sinovac.
Pumirma naman po—pangalawang mabuting balita po ito ha, doon sa mga kalaban ng gobyerno na nagsasabing wala pa tayong mga bakuna, well, mukhang kinakailangan na kayong manahimik dahil pumirma po ang pamahalaan ng Pilipinas, as represented by Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Serum Institute of India (SII) at Faberco Life Services, Inc. ng isang kasunduan para sa 13 million doses naman po ng Covovax na magiging available sa Pilipinas simula 3rd quarter ngayong taon.
So makikita ninyo po bukas – pangako ko, bukas iyan ha – ipapakita ko beyond June kung ilan na iyong mga papasok na mga bakuna natin.
Ang SSI po ang pinakamalaking vaccine manufacturers sa buong mundo. Ito ay pumartner sa Novovax, isang US-based biotech company, para sa development commercialization ng Covovax vaccine.
Ang maganda po sa Covovax, kasama po ng mga Chinese vaccines, ay kinakailangan lamang ng two degrees centigrade to eight degrees centigrade ang standard temperature sa existing cold chain system sa Pilipinas. Iyong iba po kasing brand, lalung-lalo na iyong Pfizer, ay mantakin ninyo po, negative seventy (-70) ang kinakailangan.
Eh pati po sa Amerika na napakadaming nilang na-order, nasasayang po dahil from the factory to delivery, eh naku, hindi po nasusunod iyong cold chain. So sa mga mayroong colonial mentality na gusto ang Pfizer, well, puwede po kayong mag-antay pero ang ating warning po ay talagang diyan lang po iyan maibibigay dito sa Pilipinas sa mga major na siyudad kasi wala naman talaga tayong cold chain capacity outside of Metro Manila na -70; ang freezing po ay zero ‘no. Eh mantakin ninyo iyong -70, saan tayo kukuha niyan.
Kasalukuyang nasa Phase 3 trials po ang Covovax sa United Kingdom, Estados Unidos at Mexico. At dahil marami tayong magiging tanong dito, kasama po natin ngayon walang iba kung hindi si Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco Life Sciences – ito po iyong local partner ng Serum Institute of India.
Tapusin lang po natin ang ating pag-uulat bago natin siya tawagin.
At tulad nang madalas kong binabanggit sa aking press briefing, natukoy na natin ang priority eligible population and areas for COVID-18 vaccination. Una, iyong mga matataas na lugar kung saan maraming COVID, siyempre po Metro Manila – champion pa rin tayo – Cordillera Administrative Region, Region XI at Region IV-A. At sabi nga po ni Secretary Galvez, kasama rin diyan po ang Cebu City at ang Davao City.
Base sa rekumendasyon ng IATF, sectoral priority ranking will be followed in geographical priorities. Alam na naman po natin ito, uulitin ko lang kasi nga iyong mga kalaban natin, sinasabi wala tayong mga plano. Habang nagsasabi silang walang plano, pumuputok sa kanilang mga mukha ang katotohanan.
Ang unang tranche po ay bakuna para sa frontline healthcare workers ng apat na nasabing rehiyon. Actually po, uubisin muna lahat ng healthcare workers bago sumunod sa susunod na lugar ‘no. Pagkatapos, susunod po ang mahihirap na mga lolo at lola. Siguro naman po walang magrireklamo diyan ‘no. Ang mga natitirang senior citizens at iba pang mahihirap na mga Pilipino at mga uniformed personnel.
Pinag-uusapan pa po kung mabibigyan din ng prayoridad iyong mayroong mga comorbidities gaya ng diabetes at heart condition. Mayroon lang pong pagtatalong nangyayari ngayon sa IATF, ako po, kasama ako doon sa kampo na nagsasabing dapat bigyan ng prayoridad ang may comorbidities; iyong kabilang kampo naman po nagsasabi, anyway, iyong mga senior citizens na karamihan ay may comorbidities ay mayroon na po silang prayoridad.
So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Wala pa pong desisyon pagdating sa mga mayroong comorbidities. Although, napagkasunduan na po na iyong mga senior citizens, siyempre hindi naman lahat ay malulusog so iyong mga senior citizen na mayroong comorbidities puwede ring unahin. Although, prioritized na ang mga senior citizens. Mahal namin po kayo, mga lolo at lola. Samantala po, huwag kayong lalabas ng bahay dahil alam natin kayo po talaga ang tinatamaan nang matindi ng COVID-19
Now, kaugnay uli ito tungkol sa ating mga bakuna, muling nagsalita po ang World Health Organization ha—
Sa mga naaatat na ang bagal daw ng Pebrero, hindi na po mabagal iyan. Naku, gitna ng Enero ngayon eh parang kahapon lang tayo nag-Noche Buena ‘no, so mabilis po ang panahon. Huwag kayong mag-aalala, parating na ang bakuna sa Pebrero.
Pero sang-ayon po ngayon sa WHO, mayroon na pong pitumpu’t apat na bansa na nag-rollout ng ligtas at mabisang bakuna—42, I stand corrected. Labing-apat at dalawa, tama ba? Mali ata. Forty-two bansa ang nag-rollout ng ligtas at mabisang bakuna.
Iyong nakakomentaryo po, hindi pa raw po kasama ang Pilipinas? Siyempre, hindi pa kasama ang Pilipinas. Bakit? Dahil 36 naman po dito sa mga bansang ito ay mayayaman na bansa. Eh kung kayo ay nagrereklamo, bakit hindi tayo kasama, eh hindi naman natin kasalanan na hindi talaga tayo mayaman na nakapagbigay tayo ng pondo para gawin mismo iyong bakuna. Hayaan na nating mauna sila, sila naman ang nagbayad para magawa iyong bakuna. At mayroon lang pong anim na middle income countries.
Malinaw na malinaw pa po, kagaya ng sikat ng araw, na ang mga mayayamang bansa ang nauna, kaya mali naman ang mga pula ng mga komentarista. Naku, minsan sinasabi ko nga, iyong mga komentarista, siguro dapat sila na ang magpatakbo ng gobyerno, tingnan natin kung ano ang mangyari.
Samantala, kasama na ang bansang Austria sa listahan ng mga bansang subject to travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19 na na-detect po sa South Africa. Epektibo mula kahapon po, a-diyes ng Enero 2021, 12:01 A.M. Manila time at tatagal hanggang a-kinse ng Enero 2021, ang mga banyagang pasaherong nanggaling ng Austria o nagpunta sa bansang iyon, labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas ay ipinagbabawalang makapasok sa Pilipinas. Sayang, plano ko pa naman magpunta ng Austria sana kung pupuwede na.
Pumunta naman po tayo sa katatapos lang na Pista ng Itim na Nazareno. Alam ninyo mga kababayan, tapos na po na po siguro ang sisi, talaga naman pong napakadaming dumalo at talagang bagama’t pinagplanuhan po iyan ni Yorme ay talagang at some point ay nawala po ang social distancing. Pero nirerespeto po natin iyan dahil pananampalataya po iyan, kaya nga po ang tawag nila diyan ay panata. So ngayon po na natapos na at dahil nga po maraming hindi sumunod sa social distances, eh pakinggan naman po natin ang DOH.
Una, obserbahan ang sarili po ninyo para sa paglitaw ng kahit anong mga sumusunod na sintomas ng COVID-19 kagaya ng lagnat, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan, pananakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, baradong ilong, pamumula ng mata, pagtatae at pamamantal sa balat. Pangalawa, agad na mag-isolate kung mayroon na kayong sintomas at makipag-ugnayan sa inyong barangay. Pangatlo, iwasang makisalamuha lalo na ang mga matatanda at vulnerable na kasama sa tahanan. Pang-apat, limitahan ang movement, kung maaari, manatili sa hiwalay na silid.
Isa pang balita na hindi na-report sa media: Tingnan naman po ninyo, kayo, kasama na kayo mga Malacañang Press Corps, noong tayo ay nasa number 20, naku, walang tigil ang pagtatanong ninyo, palpak daw tayo; bakit tayo number 20, napakataas, second only in ASEAN. Well, ngayon po number 31 na tayo, pero walang naglalabas po niyan. So hayaan na ninyong kami na maglabas: From number 20 noong October 1, 2020 pagdating sa numero ng kaso, nasa number 31 na po tayo. Iyan po ay patunay na hindi tayo palpak, kagaya ng sinasabi ng ating mga kalaban sa pulitika. Iyan po ang katotohanan. Pero siyempre we aim para bumaba pa tayo kung pupuwede po last tayo eh gawin po natin iyan.