Una po, makikita po natin sa ating tinatawag nating—next slide, please. Iyong according to Bloomberg tracker, nakikita po natin na mayroon na po taong 673 million doses that had been administered worldwide sa 155 countries.
The rate ng approximate natin is 16.2 million doses a day. So nakikita po natin na talagang ang nauuna ay iyong apat na countries, at sila po halos ang bumubuo ng … kumukuha po ng mga tinatawag natin sa global market.
At nakikita po natin, ang ranking po natin, para malaman po ng iba ay ang Philippines ay ranking na po ng 50th out of the 155 countries, with a total of 854,063 doses as of 5 April. At nakita po natin dito—next slide po.
Ang nakita po natin sa Southeast Asia ay nakikita po natin na pang-ano po tayo, pang-apat po tayo. Ito po, nakikita po natin na tayo po ay sumusunod po sa countries ng Indonesia, sa Singapore, Myanmar at saka po naungusan na po natin ang Malaysia.
Next slide po. Sa ngayon po ay nakita po natin noong last first quarter, nakapagtala po tayo ng 777,908 na vaccine po ang atin pong naiturok noong panahon ng March 1 to 31. At nakita po natin dito na tayo po ay nakapagtala din sa A1, mayroon tayong naitala na 754,762 na first dose at mayroon po tayong 4,104 sa second dose, at nakasama na rin po natin iyong A2 priority vaccinated na 11,000 at saka iyong A3 priority vaccinated 7,000.
Kung titingnan po natin sa second quarter, nakapagtala na po tayo ng 76,155 doses. At ngayon po, aasahan po namin na dahil po iyong deployment po natin nagpu-full swing na po tayo ng deployment ng one million Sinovac vaccine ay tataas po ang mga numero po natin.
Sa tanong po na ano po ang mga darating na vaccines this coming April, darating po ang Sinovac na 1.5 million at saka mayroon po tayong Gamaleya na 500 or more or less two million doses. So ngayong first … sa next week po baka dumating na po ang 500,000 ng Sinovac. So titingnan din po natin iyong Gamaleya, baka dumating na rin po this coming April 12.
So sa May deliveries po, magkakaroon po tayo ng two million sa Sinovac, sa Gamaleya and then darating na po and Moderna. So more or less, mga 4,194,000 po na doses ang matatanggap po natin.
Sa June po, magkakaroon po tayo ng more or less mga 10,500,000 doses kasama po ang Sinovac, Gamaleya and also Novavax at saka iyong delivery natin sa AstraZeneca.
And July, baka po tumaas po tayo, na magkaroon po tayo ng more or less mga 13.5 million. And August delivery, 20,000 at hanggang maging ano po sa November.
So sa ngayon, mayroon na po tayong lahat na na-administer na more or less 854,063 na totally vaccinated at saka ang ating health worker na na-vaccinate is more or less 789,415. Iyon lang po Spox ang aking maibabalita sa ngayon at maraming salamat po.