386
Arestado ang isang empleyado ng mataas na opisyal sa Kamara dahil sa ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Cainta, Rizal.
Nakilala ang suspek sa si Bernard V. Taboada, driver ng isang opisyal sa Kamara ayon sa mga nakuhang IDs nito.
Nakakumpiskahan ang suspek ng dalawang gramo ng shabu na tinatayang nagkakalahalaga ng P12,000.
Ayon sa Cainta, Rizal Philippine National Police, nahuli sa isang motel ang suspek nang subukan nitong bentahan ang isang pulis na nagpapanggap na buyer.
Nang mahuli sa buy bust operation, sinampahan ang suspek ng kaso paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.