Eto na ang video ni Pangulong Duterte kung paano sinagot ang panawagan ng pamilya ni Los Banos mayor Caesar Perez na pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin. “Kami po ay nananawagan kay Presidente Duterte kasama ang aking pamilya at ang mamamayan ng Los Baños na umiiyak na humihingi kami ng hustisya sa pagkamatay ng aking ama.” -Aldous Perez, anak ng Mayor
“‘Yung mga anak ni Perez, first of all, I’m sorry that your father died in the way it happened. Pero kung sabihin mong may…’yang listahan na ‘yan, hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat lahat na ‘yan, sa intelligence report, sa mga drug enforcement, at sa intelligence ng military, police. It’s a combination,”
“Hindi ko kilala ‘yung tatay ninyo. Hindi ko nga nabasa, I don’t remember. Well, ‘yung cursory reading lang, pero wala akong minemorize na mga tao doon sa listahan,”
“I’m sorry if your father was there, but really, most of those, nasa droga talaga. Your father might be an exception, if you believe firmly that he was not guilty or liable of anything, well that’s good. But the problem, his name, umabot sa listahan,”
“Hindi sa akin ‘yan. Ibinigay lang sa akin. Hindi ako gumagawa ng listahan, hindi ako pulis, hindi ako intelligence. Nandito lang ako sa opisina ko sa Pasig, nagta-trabaho,”
“As a matter of an obligation, I had to come up with the name of those suspected so that the public will be aware and prevent their ascension to public office. ‘Yun ang purpose ko doon…”
– President Rodrigo Duterte
Ano sa palagay mo?