Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) chief Dante Gierran ng hanggang Disyembre para linisin ang kurapsyon sa loob ng state health insurer.
Ayon kay presidential Spokesperson Harry Roque, nais makita ni Duterte kung kaya ni Gierran na dating head ng National Bureau of Investigation, na linisin ang ranks ng PhilHealth bago ikonsidera ng pangulo na iabolish o iprivatize ang ahensya.
Dagdag ni Roque, malayang magpatupad ng hakbang si Gierran laban sa mga tiwaling empleyado at opisyal ng Philhealth, maging ito ay kanyang kakasuhan, sususpendehin, o iteterminate para lang malinis ang naturang ahensya mula sa katiwalian.
“It is an ultimatum, you need to clean up PhilHealth by the end of the year,” pahayag ni Roque.
Ano sa palagay mo?