Gasoline boy sa Davao naabot ang pangarap na maging broadcaster sa kabila ng sakit at kahirapan sa buhay
“NIADTONG mga takna, gibati nako nga mura’g ako na gyud ang pinakalipay nga tawo sa tibuok kalibutan (That time, I felt that I was the happiest person on earth).”
Hindi naging sagabal sa isang Davaoeño ang kahirapan upang makamit ang pangarap na maging broadcaster. Ito ang kuwento ng buhay ni Francis F. Timbal, 28, ng Barangay Kipalili, San Isidro, Davao Oriental, at ngayon ay reporter ng DXMF Bombo Radyo Davao.
Bata pa lang ay pangarap na ni Timbal na maging broadcaster kaya’t nung nagtapos sa Sagayen National High School sa kanilang bayan noong 2004 ay lumuwas ito ng Davao City upang magtrabaho nang sa gayon ay matustusan ang kanyang pag-aaral.
[elfsight_youtube_gallery id=”1″]
Habang nakikituloy sa kanyang ate sa Davao City ay nagsimula siyang magtrabaho bilang janitor sa loob ng anim na buwan bago naging pump boy sa gasolinahan sa loob ng isa taon at tatlong buwan. Nagtrabaho din itong salesboy sa ARTM Enterprises sa Toril sa loob ng 11 buwan.
“Mga six-months lang ko nag-janitor, after that nahimo kong pump boy sa gasolinahan sa Magallanes Street for one year and three-months, human salesboy sa ARTM Enterprises sa Toril for 11-months (For six months, I worked as a janitor. I then became a pump boy at a gas station at Magallanes Street for one year and three months. After, I became a salesboy at ARTM Enterprises in Toril for 11 months),” sabi niya.
“Nakabayad tuod pero kung subayon kulang gyud, mao tong during sa akong rest day, conductor ko sa dyip, aron di lang gyud mahilabtan akong suweldo, aron naa ko’y pambalon ug mapamasahe (I was able to pay for my tuition but still it wasn’t enough. That’s why I worked as a jeep conductor during my rest day for some extra cash),” kuwento pa niya.
Habang nag-aaral, pumasok naman ito bilang crew ng isang fastfood restaurant. Sa ikalawang taon sa kolehiyo, pumasok naman ito sa Student Technology Assistants Program (STAP) sa UM at naging newswriter ng DXUM Radyo Ukay makalipas ang isang taon.
Sa paglagare niya sa pag-aaral, pagtrabaho sa fastfood restaurant at sa radio station, nagkasakit ito at pinayuhan ng doktor na magpahinga ng isang taon.
“Nagkasakit ko sa baga, physical examination to namo para sa internship, so ingon sa doktor rest sa daw for 1-year, mao tong nag-rest (I was diagnosed with tuberculosis after my physical examination for my internship. I was advised to rest for a year),” sabi ni Francis
Sa kabila nito, nakatapos din siya ng pag-aaral noong 2016 at isa na ngayong reporter ng Bombo Radyo Davao at host ng ilang programa tuwing Linggo nang hapon.
“Gi-enrol na sab namo, same topic, same teacher, namo tong nakuha namo, unya internship. Maayo na lang gaan na nako ang trabahuon sa dxWT Wild FM kay na-credits akong oras sa akong mga experience sa broadcast (We enrolled in the subject again, went in with the same topic, and was under the same internship adviser. My work load at dxWT Wild FM was already lighter because they credited my previous experiences),” sabi niya.
Anuman ang naging hadlang sa kanya, hindi niya pinahintulutan na hindi maabot ang kanyang pangarap. (Source: Sunstar)